NATUPOK ang hindi bababa sa 300 bahay nang sumiklab ang sunog sa Brgy. Mambaling, sa lungsod ng Cebu, nitong Biyernes ng hapon, 26 Nobyembre.
Ayon kay Fulbert Navaro, imbestigador ng Cebu City Fire Department, nagsimula ang sunog dakong 5:06 pm sa inuupahang silid ng isang Rolly Siso, 39 anyos.
Pinagtulungang bugbugin ng kanyang mga kapitbahay si Siso, isang dating PDL (person deprived of liberty) sa akusasyong sinadya niyang sunugin ang kaniyang silid.
Dinala si Siso sa pagamutan dahil sa tama ng bala ng baril, mga pasa at mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.
Hindi pa natutukoy ng pulisya kung sino ang bumaril kay Siso.
Naging kontrobersiyal rin ang insidente nang ipinaratang ni Cebu City South District Rep. Rodrigo Abellanosa na hindi agad nakaresponde ang mga pamatay-sunog dahil ginamit ang mga truck ng bombero sa libing ni Mayor Edgardo Labella.
Nakita ang ilang truck ng bombero na nakahimpil sa gilid ng parada ng libing upang magbigay ng ‘water salute’ para sa namayapang alkalde.
Ani Abellanosa, pinupuna niya ang desisyon ng mga organizer ng libing sa paggamit ng mga fire truck at hindi ang pagpupugay sa yumaong alkalde.
Samantala, pinasinungalingan ni Cebu City Councilor Dave Tumulak na naging dahilan ng pagkaantala ng pagresponde ng mga pamatay-sunog ang pagbibigay ng ‘water salute’ kay Labella sa kanyang libing.
Ayon sa fire department, nasa bisinidad ng sunog ang kanilang mga truck anim na minuto matapos sumiklab ang apoy, at hindi bababa sa 40 fire truck ang nagresponde rito.
Idineklarang kontrolado ang sunog dakong 7:12 pm at tuluyang naapula bandang 7:24 pm.
Check Also
5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan
ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …
DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions
Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …
Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga
PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …
Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP
BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …
Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad
Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com