Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Thank you JSY for being big time suki of Gardenera

ni Almar Danguilan

KUNG isa-isahin ang mga kabutihan na naibahagi ni Boss Jerry sa akin at aking pamilya, marahil hindi ko na  matatandaan ang lahat — ganoon karami. He is a really blessing.

Tatlo o apat marahil ang hindi ko malilimutan. Una’y noong hindi ko pa siya kilala nang personal marami na akong naririnig patungkol sa kanya, negative and positive. Bago ako makasama sa pamilya ng HATAW, nakilala ko siya through Allan Encarnacion. Kumain kami ng lunch sa Alfredo’s steak house sa Quezon City.

First time ko siya nakaharap, ewan ko kung may HATAW na noon – parang wala pa.

Hanep, pagkaharap ko sa kanya, wala man lang akong makitang yabang sa tao. Iyon bang sa labas na anyo palang at sa mga pagkilos lalo na ang kanyang ngiti ay masasabing mabuting tao at kaibigan.

Well, totoo nga dahil nang ampunin niya ako sa HATAW nang magsara ang diyaryong Imbestigador ay lalo ko siya nakilala. Para bang hindi marunong magalit… at totoo nga.

Habang nasa HATAW ako since 2006 ‘til now. Wow! Hindi ko lang nakita ang kanyang kabutihan kung hindi I’ve experienced it a lot and my family.

Generous heart, yes hindi lang sa pamilya HATAW kundi sa lahat ng kasamahan sa hanapbuhay mula sa iba’t ibang publications.

Hindi niya kailangan ng trumpeta para ipaalam sa mundo ang mula sa puso niyang gawain through the guidance of the Holy Spirit.

Nalalaman ko na lang sa mga tinutulungan niya ang kabutihang ginawa ni Boss JSY sa kanila.

Hindi ko dinidiyos si Boss dahil I have only one true God, ang akin lamang ay talagang mapapamahal ka kay Boss, I mean marami naman matulungin at mabuting tao akong nakilala pero kakaiba si Boss.

Lately nga or during this pandemic, I always consider him in my prayers lalo na kami ay nagpapalitan or sharing ng encouraging message from the Word of God. Iyon nga lang, he didn’t shared to me his physical situation so I would pray for him — healing.

Secondly, during this pandemic through God’s love and guidance, luminya ang aking pamilya sa online live selling of plants — “plantito.”

Isang araw habang we’re on live selling, nakita ng anak ang name ni Boss Jerry sa screen niya at nag-mine ng mga halaman. Wow! Nagulat kami dahil si boss bibili ng halaman sa amin na karami. E ano naman ang gagawin niya sa halaman.

Well, inisip namin na hindi naman niya kailangan iyon mga halaman… sa halip, alam ko ang dahilan niya sa pagbili ng mga halaman — ang tulungan kami.

Hindi lang isang beses kung hindi maraming beses naulit ang pagbili niya… at ang huli nga ay bago siya nagpaalam. Yes. Bumili pa siya ng mga poinsettia or December flower.

Gano’n si sir, lahat ng paraan gagawin niya para matulungan ka. Nabawasan tuloy kami ng suki. He he he.

Yes. Alam ko naman na hindi niya kailangan ang mga halaman, gusto niya lang makatulong lalo sa mga nakikita rin niyang nagsusumikap.

Pero balita ko ang mga halaman ay kanyang inireregalo rin. Kumusta na kaya iyong iniregalo ko sa kanya na golden cactus? I believe, alagang alaga nila iyon.

Ikatlo, last Christmas, pandemic pa rin ha. Nagulat kami,  pamilya ko dahil one hour before the Christmas eve may dumating kaming foods for noche buena Tio Paeng’s

Wala naman kaming inorder, maya-maya ay tumawag yata o nag-text si Sir, natanggap mo na ba ang ipina-deliver kong dagdag noche Buena? Hayun, hindi mai-drawing ang mukha namin sa saya… hala, ang sarap naman nito, galing kay Boss Jerry.

Siyempre, lahat kami ay masayang masaya na nagpasalamat. Kompleto talaga iyong food. Tapos naalala ko na kaya pala two weeks before ay ipina-text niya sa akin ang complete address ko. Wow, sa kabila ng lahat pandemic o patay ang negosyo… here is a boss who cares and love his employees.

Pero, during this pandemic o nang magsimula ang pandemic… talagang hindi kinalimutan ni boss ang pamilya Hataw — kaliwa’t kanan ayudang ipinarating niya sa amin.

And lastly… but this is not the last, nitong 12 Nobyembre 2021, ini-repost ko sa Facebook ang panawagan ng aking pamangkin hinggil sa kung sino makapagbigay ng tulong pinansiyal at dasal para sa kanyang tatay na nakaratay sa ospital.

Wow! After a couple of minutes, nagulat ako sa reply message ni sir sa FB… nagpadala siya ng tulong pinansiyal sa GCash ng aking pamangkin.

Gano’n si Boss, he has this heart. Siyempre we thank God for the help he has given us through boss Jerry… and thank him too.

Well, kung susuriin, November 12 iyong petsa, meaning talagang may dinadala nang masamang pqkiramdam si Sir pero still, he has extended his help.

Ibang klase ka talaga Boss Jerry. Maraming salamat sa Diyos for having you in my life. Maraming salamat uli sir.

Now, you’re with our Creator… no more pain, fears, tears… but always singing songs of worship to  the Lord with millions of His angels.

Thank you again Boss Jerry. Nabawasan man kami ng bigtime suki, alam kong happy ka sa kinalalagyan mo ngayon. We love you sir.

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …