Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
CINEMA 76 Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings

Cinema ’76 perfect sa movie bonding ng pamilya

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

ANG pelikulang Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings ang ikalawang pelikulang napanood namin sa big screen, sa Cinema ‘76 Film Society sa 3rd floor Anonas LRT City Center, Aurora Blvd., Quezon City nitong Miyerkoles kaya nakatutuwa na unti-unti ng bumabalik sa normal ang lahat.

Mahigpit sa health protocols ang namamahala ng Cinema ‘76 Film Society dahil nasa 120 seating capacity ito na dapat sana ay 50% ang puwedeng manood base sa ruling ng IATF or 60 katao, pero nasa 40 lang.

Ayon sa publicist ng Cinema ’76 Film Society na si Monina de Mesa, “ginawang 40 persons lang para mas safe at para hindi mag-alangan ang manonood.”

Magandang venue ang Cinema ’76 sa mga malalapit lang na nakatira roon dahil ang daling puntahan at ang laki ng parking para sa may mga sasakyan.

Ang ganda ng upuan, very relaxing, ganda ng sounds, malinaw ang video, ang bango ng restrooms at higit sa lahat pagbaba mo sa 2nd floor ay matatagpuan ang Cinema ’76 Café na napaka-cozy ng lugar at masarap ang cakes at kape nila, promise. Hindi aircon ang venue at sobrang mahangin kaya safe na magtanggal ng masks.

Perfect din ang Cinema ’76 Film Society para sa movie bonding ng pamilya at magpi-pinsan sa halagang P12,000 at siyempre pasok ito sa block screening for any films. For booking inquiries,   mag-email sa [email protected].

Anyway, napapaangat kami sa upuan namin sa mga action scene ng Marvel Studios’ Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings sa pangunguna nina Simu Liu, Tony Leung, Ben Kingsley, Awkwafina, Michelle Yeoh at marami pang iba.

Well, hindi na kailangang ikuwento pa dahil kapag Marvel Studios ang produksiyon, alam ng maganda at super hit ito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …