Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cara Gonzales

Cara Gonzales conservative na matapang maghubad

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

NAKAIINTRIGA ang kuwento ng pelikulang Palitan ni Direk Brillante Mendoza dahil magkarelasyon pala ang dalawang babaeng bida na sina Cara Gonzales at Jela Cuenca pero nagkahiwalay at nakatagpo ng lalaking mamahalin at pakakasalan sila, ito’y sina Rash Flores at Luis Hontiveros.

Ilang araw bago ang kasal ay nagkita sina Cara at Jela at nanumbalik ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa kaya ano ang mangyayari sa dalawang lalaking gusto rin nila?

Base sa trailer ng Palitan na produced ng Viva Films at mapapanood sa Vivamax sa Disyembre 10 ay talagang hubaran ito at ayon kay Rash, wala siyang plaster dito dahil okay lang na makitaan dahil lalaki naman siya.

Kaya sa tanong kay Cara kung gaano ba ito ka-daring at hindi ba siya nahirapang gawin ang mga eksenang halos kita na ang lahat sa kanila, ang sagot niya ay, ”Simple lang po pero mahirap. Simple kasi sobrang daling maghubad, araw-araw nating ginagawa ‘yan ‘pag maliligo, pero mahirap kasing maghubad sa harap ng kamera.

“Pero nakaka-proud kasi nagawa namin ‘yung hindi kayang gawin ng ibang tao. At saka hindi lang naman puro hubad ang movie na ito, may moral story na ikaka-proud naming lahat,” kuwento ng dalaga.

Sa tanong kung unang beses magkaroon ng karakter na may love scene sa kapwa babae sina Cara at Jela.

Sagot ni Cara, ”Nag-practice kami nag-usap kami para hindi kami magkailangan. Lahat ng concerns namin sinabi namin sa isa’t isa ‘yung okay at ayaw na gawin.

“Mahirap kasi na wala kaming idea kung paano mag-sex ang dalawang babae kaya nagtatanong kami sa ibang taong may experience kung paano gawin. Nagtatanong kami kung paanong posisyon ‘yung gagawin para mayroon kaming idea.”

Anyway, base sa pagpapakilala ni Cara, business minded siya dahil ito ang ipinamulat ng tatay niya na isang contractor at tumutulong siya sa negosyo nila.

“Nasa construction business kami, after ko mag-aral doon po ako naka-focus, tapos mayroon din akong meat shop.  Kaya ngayon po isinasabay ko ang business at showbiz.

“At ang personality ko naman sa showbiz, galing po ako sa religious and conservative family. Sobrang layo po ng personality ko sa role ko na sobrang daring na sobrang all out po ako rito sa movie,” pagkukuwento ng baguhang sexy star ng Viva Films.

Ang mga ganitong klase ng pelikula ang humahataw sa Vivamax kaya umaasa rin ang lahat na sana tangkilikin ang Palitan sa Disyembre 10.

Mapapanood din ang Palitan sa Vivamax, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East and Europe. Available na rin ito sa USA and Canada.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …