RATED R
ni Rommel Gonzales
NARANASAN na ni Bianca Umali ang lock in taping dahil sa pandemya, ano ang kakaiba niyang karanasan sa kanilang lock in?
“Siguro noong first time ko na hindi puwedeng lumabas sa isang lugar. At first I din’t know what to expect plus ang layo-layo po ng location namin but when I got there and noong nakakailang buwan na rin kaming lock in, I actually got the hang of it.
“And I love being locked in,” bulalas ni Bianca.
“Na-enjoy ko siya. Sobra,” ang nakangiting sinabi pa ni Bianca.
Ibig bang sabihin, kapag natapos na ang pandemya at puwede na ulit ang regular na set up na uwian ang taping at shooting, mas nanaisin pa rin ni Bianca ang lock in?
“’Yung bagong sistema ngayon ng taping may pros and cons.
“Pero siguro sa ngayon masasabi ko na I am for lock in kasi iba ‘yung focus, iba yung opportunities, ang daming time, the fact na nandoon ka lang, nandoon ka lang sa character mo bilang isang aktor. Hawak mo ‘yung oras mo para mag-aral, hawak mo ‘yung oras mo sa lahat.
“And ang daming time para mag-reflect, ang daming time magmuni-muni,” at natawa si Bianca. “And those are some of the things that I really enjoy.”