HARD TALK!
ni Pilar Mateo
KUNG ilang lata rin ng canned tuna ang nakita ng actor na si Baron Geisler na inihulog sa basurahan ng Immigration Officers nang mag-check in na sila ng misis na si Jamie pasakay ng Etihad Airways palipad sa Netherlands (na may stopover sa Dubai).
Lungkot na lungkot si Baron habang minamasdan na lang ang canned tunas to down the drain ‘ikanga.
Kakuwentuhan ko ang actor bago sila mag-board sa kanilang flight.
Para naman sa healthy diet niya kasi kaya nagbitbit siya ng 15 lata na pwede naman sanang makapasok kung nai-check in niya. Pero bukod sa marami at dadagdag sa bigat ng bagahe kaya sa hand luggage niya inilagay at kakainin naman niya while airborne.
Eh, ‘yun. Rules are rules. Nasa kategorya ng deadly weapons ang lata, metal.
Kaya sad ang Baron.
Pero happy siya being in a work mode patungong The Netherlands. Dahil kasama ang misis niya pero mami-miss naman ang anak na si Talli.
Excited sa new role niyasi Baron.
“My biggest break in the history of my career!
“I’m taking this very seriously and of course I will enjoy the process. Kasama rin po si Phiphi at iba pa. Philipp Salvador ng Theater na nakasama ko po sa ‘Aurelio Sedisyoso’ in Tanghalang Pilipino.
“Rock star ang character ko na may addictions.”
Ang pelikula ay produced ng Mavx Productions na nagbigay sa atin ng mga pelikulang kinagiliwan sa Netflix at HBO World gaya ng Ikaw nina Janine Gutierrez at Pepe Herrera; Will You Marry nina Elisse Joson at K Brosas (na kinunan sa Copenhagen in Denmark); Finding Agnes ni Sue Ramirez; Ang Pangarap Kong Holdap at marami pa. Kaya whatever the genre, eye-candy ang napipiling locations ng Mavx!
Karamihan ng location nina Liz Tuazon at Erwin Blanco ay mapapansing nasa Europa.
Doll house ang working title ng pelikulang ididirehe ni Marla Ancheta. At ang makaka-eksenani Baron bilang kanyang anak ay si Althea Ruedas.
Kapag sinabi mong The Netherlands o ang Amsterdam, papasok agada ng Vilma Santos movie na Miss X sa isip mo.
Dollhouse. Pwedeng sexy movie. Suspense. O kaya, horror. O, baka naman lovestory. For a change!
Knowing Baron’s kahusayan sa pagganap, pagsama-samahin lahat ng genre na ‘yun aangat at aangat na naming sigurado ang acting niya rito.
For sure, babalikan siya ng ‘sangkaterbang canned tuna ng productions sapag-welcome sa kanya in the Land of Tulips, River houses sa Canals, Dutch Cheese, Wooden Clogs, Windmills at ang maraming painters sa pangunguna ni Vincent Van Gogh.
Dank je wel! (Thank you!)
Sa gabi na natin silipin ang mga babae sa eskaparate.