RATED R
ni Rommel Gonzales
SA trailer ng The World Between Us ay pinag-usapan ang Alden 2.0 o ang new look ni Alden Richards dahil successful na si Louie Asuncion, ang karakter niya na mistulang isang high class male model.
Paano ba na-achieve ni Alden ang naturang look?
“Actually majority of the look dito, akin talaga, gamit ko. Ganoon ako ka-invested dito sa show na ‘to, as in I really committed myself to it. Sabi ko kahit anong puwede kong maitulong, I will do it.
“So na-commit ko ang sarili ko, to slimming down, to look the character, to give justice to the transitions, kasi three-year transition siya eh, isang 2011, 2017 to 2021.
“So talagang pinagtuunan ko siya ng pansin. And siguro nakatulong din ‘yung lock in tapings since nagkaroon talaga ako ng oras to really focus on it.
“At hindi lang naman ako eh, lahat kami rito nag-exert ng effort kasi ang laking factor sa show ‘yung changing your look, so everyone of us did our part in that aspect.
“And character-wise rin inangkop lang namin ‘yung characterization sa kung anuman ‘yung pinagdaanan ng characters namin during the airing and the comeback namin.
“Mahirap pero ang sarap kasi niyang panoorin, nakaka-proud na ‘yung pinaghirapan mo ay may pinuntahan.”
Bukod kay Alden, tampok din sa The World Between Us sina Jasmine Curtis-Smith, Tom Rodriguez, Jaclyn Jose, at Ms. Dina Bonnevie. Ito ay idinirehe ni Dominic Zapata.
May mahahalagang papel din sa The World Between Us sina Sid Lucero, Kelley Day, Yana Asistio, Jericho Arceo, at Donn Boco.