Friday , November 15 2024

Alyansa palakasin para sa Pag-asa Island/WPS — Eleazar

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

MATAPOS magtanim ng bandera ng bansa sa Pag-asa Island sa kalagitnaan ng tensiyon na nangyari sa lugar, ang pananarantado ng Chinese military sa mga maghahatid ng mga pagkain sa mga sundalo natin sa West Philippine Sea, suportado ni Ret. PNP Chief at senatorial aspirant Guillermo Lorenzo Eleazar ang planong palakasin pa ang pakikipag-alyansa sa iba pang bansa hinggil sa pakikipaglaban sa teritoryong inaagaw ng China.

Hindi naman lingid sa kaalaman natin, maging ng mga kabataan ngayon, ang ginagawang pananakop ng China sa teritoryo ng Filipinas sa West Philippine Sea sa kabila ng naging desisyon na ito ay pag-aari natin pero, hayun dahil sa kaluwagan at pangbebeybi ng Palasyo sa China government, lumaki ang ulo ng China – patuloy na tinatarantado ang Filipinas.

Harap-harapang ginagago ang mga Pinoy, hindi lang ang mga mangingisda kung hindi maging ang mga militar natin na maghahatid sana ng mga pagkain ng mga kababayan natin na nagbabantay sa isla ng Pag-asa.

Iyan ba ang kapalit ng donasyon na milyon-milyong bakuna? Mabuti pa ang ibang bansa na nagbigay ng donasyon ng milyong bakuna din, hindi hinaharas ang bansa o ni isang Pinoy saan man sulok ng mundo.

Anyway, sa mga ipiakikitang hakbangin ni Eleazar, makikitang ang puso niya ay para sa Pinoy lalo na sa maliliit na mamamayan ng Isla ng Pag-asa na tanging pangingisda lamang ang ikinabubuhay.

Pangingisda nga na lang ang ikinabubuhay sa lugar, pinagdadamutan pa sila ng mga dayuhan samantalang teritoryo natin natin ang pinangingidaan nila.

Suportado ni Eleazar ang pakipag-alyansa para lalong tumibay sa magandang samahan natin sa ibang bansa na apektado ng hidwaan sa teritoryo.

Teka, ang kasalukuyang gobyerno ba ay hindi nakikipag-alyansa o pinapaboran pa ang China? Kayo na ang bahalang humusga mga kababayan.

Ha, basta mahirap daw kasi baka magkagiyera at hindi natin kayang ang China. Bakit ss pamamagitan lang ba ng giyera para makamit ang tagumpay? Hindi oy!

“Habang pinapalakas natin ang ating Sandatahang Lakas para makatugon sa mga isyu at kaganapan sa West Philippine Sea, naniniwala ako na nararapat ding paigtingin natin ang ating alyansa sa ibang bansa upang makakuha rin tayo ng suporta mula sa kanila,” pahayag ni Eleazar.

Naniniwala din si Eleazar na ang pagmanatili natin ng malakas na -alyansa sa ibang bansa ay magreresulta itto ng sinasabing “balance of power” upang ang mga maliliit na bansa, tulad ng Filipinas ay hindi na tatarantaduhin “bullied” ng mga malalaking bansa na malakas sa aspeto ng military power.

“Naniniwala ako na kung mayroong balance of power, masisiguro din ang freedom of navigation sa rehiyon at maiiwasan ang tensyon o iringan sa pagitan ng mga bansa,” wika pa ni Eleazar.

Kasabay nito, ayon kay Eleazar, isa sa bibigyan halaga o nasa listahan ng kanyang priorities “programa” ay ang para sa modernisasyon ng Philippine military gayundin ang ikabubuhay ng mga mamamayan ng Pagasa Island.

Matatandaan na nitong Nobyembre 20, 2021, nagtungo sina Eleazar at ng kanyang kapartido sa Reporma na si Senator at presidential aspirant Panfilo “Ping” Lacson sa Pag-asa Island hindi lamang para magtanim ng bandera ng bansa sa lugar kung hindi para alamin ang mga kaialangan ng mamamayan sa isla maging ang mga militar na nakatalaga sa lugar.

Ang pagtatanim nina Eleazar at Lacson ng Philippine Flag sa Isla ay pagpapakita sa mamamayan na ang lugar ay pag-aari natin at kailangan ipaglaban sa mga umaangkin nito.

Iyan ang mga lider na kailangan natin, kayang ipaglaban ang bansa laban sa mga “teritorial grabbers”. Kaya alam na this sa Mayo 2022 kung sino ang dapat na iluklok para sa bansa.

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …