Monday , December 23 2024

Alitangya sumalakay sa Pampanga

NAITALA sa ilang lugar sa lalawigan ng Pampanga ang pananalasa ng rice black bug o alitangya.

Matapos manalasa sa lungsod ng Cabanatuan, sa Nueva Ecija, at sa Asingan, Pangasinan, nakitaan na rin ang ilang lugar sa Pampanga ng mga rice black bug.

Ayon sa Department of Agriculture, apektado na ang ilang bahagi ng Brgy. San Jose Malino sa bayan ng Mexico, ilang bahagi ng Arayat at ilang bahagi ng bayan ng Sta. Ana.

Paglilinaw ni Trojane Soberano, science research specialist ng DA, incidence lang at hindi pa outbreak ang dating ng mga rice black bug.

Bukod sa pamemeste ng palay, mabaho ang amoy nito kapag nadapuan at delikado kapag nagkalat sa daan.

Kasalukuyang nagsasagawa ng mga hakbang ang DA upang maiwasan ang pagkalat ng mga peste at pinayohan na rin ang mga magsasaka at residente na apektado ng rice black bug na gumamit ng light trapping equipment.

“So, ‘pag nakita natin na may RBB na sa bukid, we can conduct light trapping three days before and three days after the full moon kasi that is the time na very active silang lumipad sa paligid,” ani Soberano.

Paalala ng DA, ugaliin ang field monitoring at pagre-report sa kanilang opisina at pinakamainam na gawin sa mga RBB ay kunin, kolektahin at ibaon sa lupa para hindi na ito dumami. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …