Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carla Abellana Tom Rodriguez

Tom handang maging under de saya

RATED R
ni Rommel Gonzales

SINAGOT ni Tom Rodriguez ang tanong sa programang Mars Pa More kung handa ba siyang magpa-“under the saya” sa asawa niyang si Carla Abellana.

“Oo! Oo! Happy wife, happy life!” sagot ni Tom sa  TaranTanong segment ng show.

“Pero willingly, gladly and willingly. Ibibigay ko sa ‘yo ang pantalon,” biro ni Tom kay Carla.

At nang tanungin naman si Carla kung naniniwala siya sa sagot ni Tom, “Oo!” tugon ng aktres.

Naniniwala si Carla na maaaring maging “under the saya” si Tom.

“Do you respect a man who is ‘under the saya?'” tanong ng male co-host na si Kuya Kim kay Carla.

“Of course naman, karespe-respeto. Whether or not under the saya,” sabi ni Carla.

Sa kaniyang wedding vow, sinabi ni Tom kay Carla na, “Ako si Mister, ikaw si Madame.”

Ikinasal sina Carla at Tom nito lang Oktubre.

Napapanood si Tom sa The World Between Us at si Carla naman sa To Have And To Hold.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …