Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Diego Loyzaga Barbie Imperial

Diego at Barbie ‘di nagpapansinan (‘pag apektado ng eksena)

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

PARANG mga sawang lingkisan ng lingkisan ang mag-dyowang Diego Loyzaga at Barbie Imperial sa nakaraang virtual mediacon para sa una nilang pelikulang Dulo na mapapanood sa Disyembre 10 sa Vivamax produced ng Viva Films at idinirehe ni Fifth Solomon.

Kaya hindi mo maiisip na nag-aaway sila ng todo na humantong sa sakitan ang batuhan ng gamit sa isang hotel sa Tagaytay City tulad ng posts ng Pambansang Marites ng Pilipinas na si Xian Gaza.

Inamin naman nina Diego at Barbie na dalawang beses lang sila nag-away at lahat ay tampuhan lang dahil pareho silang pikon.

Base sa trailer ng Dulo, heavy drama ito at ang husay nang magkasintahan sa batuhan ng mga linya. Nakita ito sa eksenang nag-aaway sila na ang sabi ni Barbie, “isang taon palang tayo, pero ang relasyon na ito parang sampung taon na! Nakakapagod Dex, nakakapagod kang mahalin!” Bale ba, isang taon na sila sa Disyembre 11 bilang magdyowa.

At dahil unang beses magsama ang dalawa ay natanong kung ano ang naging experience nila sa karakter nila bilang ganito rin sa totoong buhay.

Sabi ni Barbie, “Actually may time na hindi po kami nagpapansinan masyado noong mabibigat na ‘yung mga eksena.

“Parang totoong away kasi (‘yung mga eksena). Siyempre kung ibang co-actress ‘yung kasama ko tapos may confrontation scene kailangan ‘yung huhugutan mo totoo. 

“Eh, kami ni B (tawag kay Barbie) since kami talaga, ‘yung mga pinaghuhugutan namin totoo talaga, so iba ‘yung bigat. Mas personal siya,” pagtatapat ni Diego.

Say pa ni Barbie, “Ako po sobrang saya, sobrang happy kasi sinabi ko naman po before na gusto kong maka-work si Diego. Sobrang happy and grateful ako sa Viva na binigyan nila ako ng project na kasama si Diego. Mayroon pa actually kaming gagawin sa Viva and happy ako na si Diego ‘yung una kong nakasama.”

Isa sa naging tanong pa kay Diego ay ano ang qualities na nagpatibok ng puso niya kay Barbie at sobrang mahal niya base sa nakita ng media sa virtual presscon.

“Consistent ako sa lahat ng interviews ko, sinasabi ko na ‘yung nakita ko kay B, sinabi ko sa sarili ko na if ever I date a girl, gusto ko na I can see her as the mother of my children. Kailangan may ganoon siyang factor.

“And nakita ko ‘yun kay B, really, early pa sa relationship, noong nanliligaw pa lang ako sa kanya, how organized she is as a person when it comes to work.

“She’s maternal. Sobrang caring niya like a mom, ‘yon ang isa sa mga nagustuhan ko sa kanya,” pahayag ni Diego.


At ang pagkaka-pareho naman nina Barbie at ng Mommy Teresa Loyzaga, “Makulit sila pareho in the sense na alam mo ‘yung nanay, paulit-ulit may ipinapaalala, ‘Anak, huwag mong gawin ito. Anak, gawin mo yan.’ Sobrang caring nilang dalawa and, yes, nakita ko ‘yun sa kanya, especially with my past.

“I don’t know how much you know about my past or how much the public knows about my past, basta mayroon akong pinagdaanan noon, and Barbie accepted that and helped me move forward also with my life.”

Ang Dulo ay mapapanood na on December 10, sa Vivamax Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East and Europe.

Vivamax will also be available in USA and Canada starting November 19.

For local subscriptions, you can subscribe using the VIVAMAX app and for P149, you can watch-all-you-can for 1 month, and you can pay using your Debit or Credit card, GCash, or PayPal account that’s linked on your Google, Apple and Huawei App Gallery account.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …