Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Blind Item Young Actress Mystery Girl

‘Di kagandang ugali ni Batang Aktres pinagtsitsismisan ng mga veteran actor

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

DAPAT maging maingat ang mga kabataang artista ngayon sa pakikitungo nila sa mga kasamahan nila sa lock-in tapings dahil napagkukuwentuhan sila nito lalo na kung hindi maganda ang ugaling ipinakikita.

Tulad na lang ng mahusay na batang aktres na mismong mga kasamang veteran actors and actresses na ang nagkukuwentong hindi kagandahan ang asal nito at ‘pag nagtagal ay matutulad ito sa magaling na aktres na sinukuan ng producers at direktor dahil sa ugali nitong hindi maintindihan.

Sa isang umpukan ng mga beteranong artista pagkatapos ng taping nila for that day ay nagpahinga muna at napagdiskitahan nilang pag-usapan ang kasama nilang batang aktres na bida-bida na nanghihinayang sila dahil magaling pa naman at malayo ang mararating, pero kung hindi maganda ang ugali ay baka dumalang ang projects .

Oo nga, may nakausap kaming producer na kahit na anong galing ng isang artista kung sakit naman siya ng ulo sa set, eh, sa panahon daw ngayon hindi na puwedeng ma-stress ang lahat ng tao.

Maraming artistang pagpipilian na puwedeng i-train. Bakit ka magtitiyaga sa taong apektado na ang health mo?” ito ang tanda naming sinabi ng kausap naming producer.

Itong si batang aktres kasi ay hindi naman namin maintindihan kung ano ang gusto dahil mababait naman ang mga taong nasa paligid niya pati magulang niya at manager pati   mga kasama  sa series.

Ayon sa kuwento sa amin ay minsan mabait at minsan may topak. Katwiran namin na ganoon naman ang mga artista, moody lalo na kapag mabigat ang karakter nila at nadadala nila sa bahay nila.

Laging inuunawa raw si batang aktres ng mga kasamahan niya sa series pero hanggang kailan?

Mabuti na lang at hindi pa namin siya naiinterbyu dahil baka matanong namin ang mga hindi dapat, ha, ha, haha.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …