Saturday , November 16 2024

Sangkatutak na alitangya prehuwisyo sa Cabanatuan

ISANG linggo nang prehuwisyo ang mga ‘black rice bugs’ o alitangya sa mga residente sa lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng  Nueva Ecija.

Ang alitangya ay insektong tila maliliit na salagubang na madalas lumilitaw sa gabi at nagliliparan malapit sa ilaw kung saan may liwanag.

Halos pagbahayan ng mga alitangya ang maraming lugar sa naturang lungsod tulad ng mga karinderya, tindahan, groseya, at maging ATM booths.

Sagabal din sa mga motorista ang mga alitangya na hindi nila makita ang daan dahil kumpol-kumpol na nagliliparan.

Ayon sa mga residente, kakaiba ang amoy ng mga alitangya at masakit kumagat bukod sa kumakapit din sa ulo at katawan.

Sinabi ng mga eksperto na galing sa lupa ang mga alitangya na lumalabas lamang sa tuwing kabilugan ng buwan.

Ayon sa agriculturist na si Nick Angelo De Dios, crop protection coordinator sa lungsod, ang mga alitangya ay peste ng mga palayan na madalas lumalabas tuwing Agosto kapag walang masyadong bagyo.

Ngunit kung may bagyo, lumalabas sila ng Oktubre hanggang Disyembre.

Breeding season umano ngayon ng mga alitangya at nagkataon pang harvest season at full moon sa Cabanatuan kaya dumami ang mga insekto. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …