Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

MWP ng Aurora tiklo sa Pasay

INARESTO ng mga awtoridad ang pang-apat na most wanted person sa lalawigan ng Aurora sa isinagawang manhunt operation sa lungsod ng Pasay, nitong Biyernes ng tanghali, 19 Nobyembre.

Sa ulat mula kay P/Col. Julio Lizardo, acting provincial director ng Aurora PPO, naglatag ang mga elemento ng Counter Intelligence Division-IG, Maria Aurora MPS, Aurora PPO, Pasay CPS, SPD, NCRPO at Bongabon MPS ng manhunt operation sa bahagi ng Pasay City Sport Complex.

Sa ikinasang operasyon, nadakip ang target na kinilalang si Rolando Nava, laborer, tubong Brgy. San Jose, Maria Aurora, sa nabanggit na lalawigan.

Inaresto si Nava sa bisa ng warrant of arrest para sa krimeng apat na bilang ng Forcible Abduction at Rape kaugnay sa RA 7610 na nilagdaan ni Presiding Judge Maximo Ancheta, Jr., ng Baler RTC Branch 90, may petsang 15 Disyembre 2017, walang itinakdang piyansa.

Samantala, pinapurihan ni PRO3 Regional Director P/BGen. Matthew Baccay ang operating troops na dumakip sa akusado at ipinagdiinang pananagutin siya sa ginawang krimen.

 (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Dennis Roldan Paolo Gumabao Spring In Prague

Dennis pangarap sa anak na si Paolo para magbida natupad

RATED Rni Rommel Gonzales NATUPAD ang pangarap ni Dennis Roldan para sa anak na si Paolo Gumabao. Kapag …