HARD TALK!
ni Pilar Mateo
MAY pahatid ang aking kapwa Tomasino (schoolmate) na si Malu Borabo mula sa tanggapan ng kanyang Boss na si Sir Chiz Escudero sa Sorsogon.
Sa pagbabalik-teleserye ng maybahay niyang si Heart Evangelista sa I Left My Heart In Sorsogon, super happy ito sa successful global premiere nito.
Hindi mapigilan ni Chiz ang excitement sa mga sunod-sunod na tweets nitong mga nakaraang araw patungkol sa bagong teleserye ng kanyang misis sa GMA7.
Bakit nga naman hindi? Bukod sa pinagbibidahan ito ni Mrs. Heart Escudero, eh sentro ng palabas ang lalawigan ng Sorsogon na siya pa ngang nasa title.
Kaya naman kung excited at may halong nerbiyos si Heart bago ito umere, ganoon din si Gov. Chiz.
Well, now they can both heave a sigh of relief. Matagumpay ang teleserye at talaga namang tinutukan ito ng publiko nang mag-global premiere noong Nov. 15. Naging trending din ang #ILeftMyHeartInSorsogon sa Twitter. Talaga namang pinag-usapan ito nang husto.
Masaya ring ibinahagi ni Chiz sa kanyang Facebook at Twitter accounts ang screening sa provincial capitol na dinaluhan ng mga ilang empleado at kanilang pamilya. Talaga namang aabangan ng publiko ang ILMHIS dahil in fairness, bukod sa star-studded ang palabas ay maganda ang storyline na patok sa masa.
Sino ba naman ang mag-aakala na patataubin nito ang institusyon na Ang Probinsyano ng ABS-CBN na ilang taon na ring naghahari-harian sa telebisyon?
Ayon sa Nielsen Philippines, mas marami ang tumutok sa pilot episode ng ILMHIS kaysa Ang Probinsyano na magkasabay halos ang airtime, with 12.1 percent rating and 11.8 percent, respectively. The unprecedented record has made Heart the newest primetime queen and certified multi-media superstar.
I Left My Heart in Sorsogon centers on a fashion socialite named Celeste (Heart) who returns to her hometown, rediscovers her roots, and rekindles her love for family, community, and an ex-flame.
Para kay Gov. Chiz, na ngayon ay balak magbalik sa Senado, hindi lamang tagumpay ni Heart ang teleserye kundi pati na rin ng lalawigan. Mas marami ngayon ang makaa-appreciate sa natatanging ganda ng Sorsogon. Umaasa si Chiz na maeengganyo nito ang mga turista–local man o mga dayuhan, na bisitahin ang probinsiya.
Unti-unti nang nagbubukas ang mga border dahil sa gumagandang sitwasyon natin bunsod na rin sa pagbaba ng mga COVID-19 cases. Sooner than soon, people will start traveling extensively again. And hopefully, the teleserye will put the province in the map of international and domestic tourism. ‘Pag dumami muli ang dadalaw sa kanilang lalawigan, tiyak na dagdag kabuhayan din ito sa mga constituent ni Gov. Escudero.
You may agree or disagree sa ilang punto. Pero ito ngayon ang saloobin ng nagpahayag lang naman ng kanyang damdamin.