HATAWAN
ni Ed de Leon
NAGTATAWA pa raw ang isang dating sikat na matinee idol sa mga kuwentong talagang nag-move on na ang dati niyang syota at wala na iyong interes sa kanya.
Pero ang sinasabi raw ng dating matinee idol, ”isang kalabit ko lang diyan iiwan niya ang boyfriend niya. Hindi niya makakalimutan ang mga pinagsamahan namin, at sa totoo lang siya naman ang naghahabol sa akin. Kaya lang ganyan ay dahil hindi ko siya pinapansin.”
Totoo naman iyon, na ang girl ang talagang naghahabol noong araw sa kanyang poging boyfriend.
“How can she forget our nights together,” ang pagyayabang pa raw ng male star.
Mukhang maraming itinatagong kuwento ang male star. Minsan nga raw may kuwento pa iyon na mas mahilig pa sa sex ang kanyang partner kaysa kanya, at kadalasan napipilitan na lang siyang ”pagbigyan iyon.” Nakikita naman iyon maski in public. Mas demonstrative ang babae kaysa lalaki na parang balewala lang.