Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Karla Estrada, Tingog Partylist, Magandang Buhay, Melai Cantiveros, Jolina Magdangal

Karla hanggang Enero pa sa Magandang Buhay

REALITY BITES
ni Dominic Rea

NASA Manila na uli si Karla Estrada. Halos isang buwan siyang nanirahan sa Tacloban. Ito ay upang sabayan ang buong partido ng Tingog na nag-ikot sa buong Leyte at Samar. Kasama  ito sa obligasyon ni Karla bilang 3rd nominee para sa  partylist.

Habang nasa Tacloban at busy sa kanyang pangangampanya ay naging bulong-bulungan naman ang umano’y P25-M na kanyang tinanggap para iendoso ang Tingog na kasabay na ang  pagtakbo niya bilang Congresswoman.

May nagtsika pa ngang baka raw mas higit pa roon ang offered amount kay Karla.

“Walang ganoon Dom! Nakakaloka! Purely pakikisama at pagmamahal sa Tingog at sa mga Romualdez ang dahilan kung bakit. Nakakatawa naman ang P25-M na yan!” kaagad namang tugon sa aking text message.

Nasabi na noon ni Karla na malalaman din ng lahat ang totoong dahilan ng pagtakbo niya.

Ang buong akala rin ng karamihan ay tinanggal na sa siya sa Magandang Buhay dahil two months na itong hindi nakikita sa show. Lumabas din ang tsikang nag-resign na siya bilang co-host nina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal. Ano ba ang totoo?

“Hindi totoo ‘yan! Nandito ako ngayon sa ABS at nagti-taping ng ‘Magandang Buhay’ hanggang January next year. ‘Yan ang totoo. Pero by February hanggang April ay kailangan kong mag-leave. ‘Yun ‘yun,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …