Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Sara ‘pinaiikot’ ng kampo ni Bongbong

SIPAT
ni Mat Vicencio

KUNG titingnan mabuti, gamit na gamit ng kampo ni Senator Bongbong Marcos si Davao City Mayor Sara Duterte. Mapapansing lalong lumakas ang presidential bid ni Bongbong nang maghain ng kanyang kandidatura si Sara bilang vice president sa ilalim ng Lakas-CMD party.

Tusong matatawag ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ni Bongbong dahil matapos maghain ng certificate of candidacy (COC) bilang vice president, mabilis pa sa kidlat na naglabas ng isang resolution ang partido na kanilang ina-adopt si Sara bilang running mate ni Bongbong.

Dahil sa mga kaganapan, galit si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Mismong si Digong ang nagbulgar na ang lahat ng mga pangyayari ay plano ng kampo ni Bongbong at nagtataka siya kung bakit sa kabila ng pangunguna sa survey ni Sara, mas pinili nitong tumakbo na lamang bilang pangalawang pangulo sa darating na halalan.

Kaya nga, kaagad pinatakbo ni Digong si Senator Bong Go bilang pangulo sa ilalim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) party at sinigurong sa pagtakbo nito ay todong suporta ang kanyang ibibigay para manalo bilang pangulo.

Tahasang sinabi ni Digong… “Walang suportang makukuha si Marcos sa akin.

“Hindi ko suportado si Marcos. Wala kayong narinig sa akin na Marcos ako!”

Sa pahayag ni Digong, lumalabas na talagang walang tiwala ang pangulo kay Bongbong.  Alam ni Digong na wala siyang makukuhang proteksiyon kay Bongbong kung mahahalal ito bilang pangulo.

Inaasahang sa pagtatapos ng termino ni Digong bilang pangulo, haharap ito sa patong-patong na kaso lalo na sa kasong crime against humanity na inihain sa kanya sa International Criminal Court.

Tanging pag-asa na lamang ni Digong para makapagbigay sa kanya ng proteksiyon sa mga kasong ihahain laban sa kanya ay kung mananalo si Go o kung sakali man ay magbago pa ang isip ni Sara at tumakbo bilang pangulo.

Sa ngayon, hindi pa nakatitiyak ng panalo si Bongbong sa kanyang kandidatura.  Mabigat ang kanyang susuungin lalo na ang mga binitiwang salita ni Digong na hindi niya suportado si Bongbong at tiyak na ang makinarya, organisasyon at pera ng administrasyon ay ibubuhos kay Go.

Hindi “walk in the park” ang kandidatura ni Bongbong at sana ‘wag kaagad magdiwang ang kanyang mga supporters lalo ang mga loyalist dahil malamang na ‘umalagwa’ na naman ang mga kandidato ni Digong sa darating na eleksiyon. Smartmatic, pasok!

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …