Wednesday , May 14 2025

Kapitan ng barangay kritikal, driver todas sa ambush (Sa Teresa, Rizal)

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang driver-bodyguard habang suga­tan ang isang kapitan ng barangay nang pagba­barilin ng hindi kilalang mga suspek sa bayan ng Teresa, lalawigan ng Rizal, nitong Linggo ng madaling araw, 14 Nobyembre.

Kinilala ang namatay na biktimang si Renato de Guzman, driver-bodyguard ni Brgy. Captain Allan Abunio ng Brgy. Calawis, Antipolo, dinala sa ospital dahil sa siyam na tama ng bala ng baril sa kanyang katawan.

Base sa tala ng mga awtoridad, sa pagitan ng 4:00 hanggang 5:00 am kahapon, tinambangan ng mga armadong suspek ang mga biktima habang sakay ng itim na Toyota Innova, may plakang NEJ-6854 sa harap ng Amara Restaurant, Sitio Bulak, Brgy. Bagumbayan, sa nabanggit na bayan.

Agad binawian ng buhay si De Guzman habang kritikal ang kondisyon ni Abunio na dinala sa hindi pinangalanang ospital.

Tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo matapos ang pamamaril patungo sa hindi batid na direksiyon.

Samantala, tikom ang Teresa PNP na magbigay ng komento kung may kinalaman sa politika o may kaaway ang mga biktima na maaaring motibo sa krimen.

 (EDWIN MORENO)

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …