HATAWAN
ni Ed de Leon
HINDI lang pala sa politika uso ang substitution, sa showbiz din. Ang kuwento nila, iyong isang male star payag daw mag-substitute sa maski na anong role, kung hindi makuha ang artistang talagang gustong makuha ng producers ng pelikula. Hindi lang iyan, siya rin pala ang ginagawang “substitute” ng manager niya para sa mga gay friend niyon kung ayaw ang ibang male talents na kursunada ng gay friends niya.
Wala naman daw choice si male star kundi pumayag na maging substitute dahil kung siya mismo ay wala namang may interest na kumuha sa kanya, dahil alam din naman nilang gay din siya. Pero kung wala na talagang iba eh, ‘di kahit iyong substitute puwede na.
Ewan kung hanggang kailan din naman tatagal ang male star na iyan sa pagiging “substitute” dahil tiyak naman pagsasawaan din siya sooner or later. Pero wala kang magagawa, walang chances eh.
Talagang hanggang doon na lang siguro siya.