Tuesday , November 19 2024
Mitch Cajayon-Uy

Lady Ex-solon inabsuwelto ng Sandiganbayan sa graft charges

IPINAWALANGSALA, kanina 12 Nobyembre 2021, ngayong Biyernes, ng Sandiganbayan si dating Caloocan Second District Representative Mitch Cajayon-Uy sa kasong graft kaugnay ng pork barrel scam o ang Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Nabatid sa isang unanimous decision ng Sandiganbayan Second Division, si Cajayon-Uy ay napawalang-sala sa dalawang counts ng Graft, isang count ng Malversation of Funds at isang count ng Malversation thru Falsification para sa “failure of the prosecution to prove her guilt beyond reasonable doubt.”

Nauna rito si Cajayon-Uy ay inakusahan ng maling paggamit ng kanyang P10 milyong discretionary Priority Development Assistance Fund noong Mayo at Hunyo 2009.

Ang mga reklamo ay inihain ng Public Assistance and Corruption Prevention Office ng Office of the Ombudsman noong 2015 at pagkatapos ay iniakyat sa Sandiganbayan noong 2018.

“Our acquittal today is vindication that we never committed any of the criminal allegations hurled against us. This is a testament that the criminal prosecution against me was nothing but persecution by the former administration directed at known allies of former President GMA,” ayon sa press statement ni Cajayon-Uy.

Samantala kaugnay nito bilang isang ina ng tatlong anak, sinabi ni Cajayon-Uy na mula nang siya ay nasakdal noong 2015, siya at ang kanyang pamilya ay nahaharap sa matinding stress at walang tulog na gabi.

Higit pa rito, muling iginiit niya na ang piling pag-uusig sa mga kaso ng PDAF noong nakaraang administrasyon ay nabahiran ang kanilang mga pangalan at sila ay binansagang corrupt sa kabila ng mga mali at walang katibayang mga paratang.

Sinabi ng dating mambabatas na ang desisyon ng Sandiganbayan ngayon ay isang katibayan na epektibo at patas ang sistema ng justice system sa bansa.

Kaugnay nito pinuri ng dating mambabatas ang Sandiganbayan, ang pamumuno ni Justice Samuel Martires sa pagprotekta sa integridad ng opisina sa pamamagitan ng pagtitiyak na ang mga kaso ay dinidinig ayon sa kanilang mga merito at hindi nababalot ng politika ng partido.

Sinabi niya ang  pagpapawalang-sala sa kanya ay nagpanumbalik ng kanyang tiwals sa ating sistema ng hustisya”

About hataw tabloid

Check Also

Janine Tenoso Side A

Side A at Janine Tenoso pinag-isa ng kanilang musika 

HINDI naitago kapwa ng Side A Band at ni Janine Tenoso ang excitement sa nalalapit nilang konsiyerto, ang Bonded by …

Bong Suntay Bday

‘Birthday pasasalamat’ ni Cong. Bong Suntay dinagsa

TINATAYANG aabot sa 8,000 suporters, mga miyembro ng kanyang pamilya at kaibigan, gayundin mula sa …

2 dating kaalyadong politiko ni Mayor Vico Sotto bumaliktad

DESMAYADO na ang dalawang dating mga kaalyadong politiko ni Pasig City Mayor Vico Sotto at …

Bamboo Kawayan

Pamangkin hinamon ng duwelo , Tiyuhin patay sa palo ng kawayan

BINAWIAN ng buhay ang isang 55-anyos na lalaki matapos ilang ulit paluin sa ulo ng …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …