Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jeric Gonzales, Therese Malvar

Jeric Gonzales, handa sa challenge ng pelikulang Broken Blooms

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

LABIS ang kagalakan ng Kapuso actor na si Jeric Gonzales dahil bukod siya ang bida sa pelikulang Broken Blooms na initial venture ng BenTria Productions ni Engr. Benjamin G. Austria, nagandahan ang aktor sa istorya nito.

Mga bigatin ang casts ng pelikula sa pangunguna nina Ms. Jaclyn Jose, Therese Malvar, Boobay, Royce Cabrera, Mimi Juareza, at Lou Veloso. Ito’y isinulat ni Direk Ralston Jover at pamamahalaan ni Direk Louie Ignacio.

Nagpasalamat si Jeric sa pagkakataong ibinigay sa kanya para sa naturang proyekto.

Aniya, “Unang-una siyempre, gusto kong magpasalamat sa ating producer na si sir Benjamin Austria sa opportunity na ibinigay nyo sa akin at sa aming lahat. Of course kay Direk Louie, noong una ay concept lang natin ito, pero ngayon ay heto na tayo.”

Ano ang unang naging reaksiyon niya nang nalamang siya ang bida rito?

Esplika ni Jeric, “Ang unang reaction ko, sabi ko ay napakasuwerte ko dahil marami po talaga ang naghahangad na magkaroon ng ganitong film, pero ako po ang napili nila.

“Kaya sabi ko, ‘I will do my best dahil ito na yung time ko para i-challenge naman ang sarili ko for this role na ako yung lead’. And then, ang tagal ko na ring hindi gumawa ng pelikula, parang 2016 pa yata yung Dementia with Ms. Nora Aunor, and Hustisya.

“So, ito na talaga, chance ko na ito, kaya maraming salamat po talaga.”

Sa pelikulang ito gumaganap si Jeric bilang si Jeremy, isang physical therapist undergrad. Maagang nag-asawa at ‘di natapos ang P.T. course; mukhang matino pero nasa loob ang kulo lalo na kapag naba-bad influence. Asawa niya rito si Therese at ina si Jaclyn. Si Jeremy ay naging kapit sa patalim noong magka-pandemic kaya kung ano-ano ang pinasok na trabaho.

Ang location nila ay ang Stobosa Hillside Colorful Homes, dating resettlement site na pininturahan ng matitingkad na primary colors ang mga bahay. Naging major tourist attraction ito sa Trinidad Valley, Benguet.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …