Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kim Rodriguez

Kim hubadera raw dahil sa black two piece

MATABIL
ni John Fontanilla

TRENDING ang beauty at kaseksihan ni Kim Rodriguez na humamig ng 100k plus likes ang sexy photos sa kanyang Facebook account na nakasuot ng black two piece.

Post ni Kim sa kanyang sexy  photos na may caption na, Just natural and Hardwork. Thanks to myself for all the hard work in the gym and boxing to achieve this body.”

Mix ang pananaw ng mga nakakita ng litrato ni Kim, may pabor at mayroong hindi. Ang iba ay hunanga sa magandang hubog ng katawan nito, habang ang iba naman ay inakusahang kulang na lang daw ay maghubot-hubad si Kim sa kanyang larawan na animo’y sexy star.

Kaya naman nang tanungin namin si Kim kaugnay dito ay ito ang naging kasagutan ng Kapuso star. “Porke’t nag-post ka lang ng sexy photos mo, sexy star ka na! Hindi ba puwede na gusto mo lang i-flex ‘yung resulta ng pinagpaguran mo sa pag-e-exercise at pagba-boxing?

“Hindi ba puwede na nag-post ako para ma-inspire ‘yung iba na mag- exercise rin para gumanda ‘yung katawan nila at para na rin sa health nila?”

Ang palaging pag-e-exercise at pagba-boxing ni Kim ang dahilan kung bakit mas lalong gumanda ang katawan nito. Kumuha pa nga ito ng kanyang personal trainer.

Tsika ni Kim, ito ang kanyang pinagkakaabalahan kapag wala siyang taping or shooting para ‘di siya mabagot at makaramdam ng lungkot ngayong pandemic.

Sa ngayon ay napapanood si Kim sa  bagong Kapuso show  na Never Say Goodbye kabituin sina Jak Roberto, Lauren Young, Klea Pineda atbp..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …