Sunday , December 22 2024

Ang panganib ng Alert Level 2

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

SIMULA nitong Biyernes, nang ibaba sa mas maluwag na Alert Level 2 ang quarantine status sa Metro Manila, kapansin-pansin ang dami ng taong nagtitipon-tipon sa mga malls at sa iba pang pasyalan. Ang dagsa ng mga motorista sa paligid ng mga commercial centers ay patunay kung gaano karaming Filipino ang atat nang makabalik sa normal nilang pamumuhay tulad noong wala pang pandemya.

Dahil sa mataas na vaccination rate sa mga taga-National Capital Region at sa tuloy-tuloy na pagbaba ng mga bagong CoVid-19 cases na naitatala araw-araw, buhay na buhay ang pag-asa ng lahat na ngayong taon ay totoong magiging masaya na ang Pasko sa bansa — gaya ng dati. Pero bago natin ipagbunyi ang pagbawi sa curfew hours, ang mas mahabang operasyon ng mga malls, at ang pahintulot na makalabas na ng bahay ang mga bata, importanteng hindi pa rin natin ipagwalang-bahala ang pag-iingat.

Habang ninanamnam natin ang matagal nating hinintay na kalayaang ito, alalahanin natin ang dalawang projections ng Department of Health (DOH) sa mga susunod na linggo. Ang isa ay positibong taya na nagsasabing maaaring bumaba ang naitatalang bagong kaso ng CoVid-19 sa 2,100 pagsapit ng Disyembre 15, habang ang isa pa ay nagsasabing may posibilidad din sumirit hanggang 52,300 ang mga aktibong kaso sa kalagitnaan ng Disyembre.

Nakalilito ang malaking kaibahan ng dalawang pagtataya, pero parehong nakasalalay kung estrikto bang naipatutupad ang minimum public health standards gaya ng dapat, at kung patuloy na darami ang bilang ng nababakunahan. Gamit ang modernong analytics sa mga pagtayang ito, ang malinaw ay malaki ang posibilidad na lumobong muli ang mga kaso ngayong mas marami na sa atin ang nakalalabas ng bahay at nakapamamasyal.

Ang hindi kagandahang prediksiyon ay iyong tataas ang mobility mula sa 82 porsiyento patungong 91 porsiyento. Kasabay nito ang pagbaba ng antas ng pagsunod sa health safety protocols na tinatayang babagsak sa 26 porsiyento ngayong umiiral na ang Alert Level 2. Isa itong nakababahalang kombinasyon na magbabalewala sa tagumpay nating maibaba ang bilang ng mga nagkahawaan ng CoVid-19.

Kaya kung gusto talaga natin ng isang pinagpalang Pasko kasama ang masasaya at malulusog na miyembro ng ating pamilya hanggang sa pagsalubong sa Bagong Taon, dapat na huwag tayong maging kampante, lalo na kapag nasa pampublikong lugar. Sa panig ng gobyerno, dapat pang magsikap ang local government units (LGUs) upang mas marami pa ang mabakunahan mula sa mga sektor na delikado sa hawaan, lalo ang matatanda, at dapat na magpatupad ng mga bagong estratehiya para makombinsi na rin magpaturok ang mga hanggang ngayon ay nag-aatubiling magpabakuna kontra CoVid-19.

*              *              *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …