Saturday , November 16 2024

Sa Tuguegarao Airport
KANO TIKLO SA ‘BOMB JOKE’

ARESTADO ang isang American national nang magbirong may lamang bomba ang kaniyang baga­he sa paliparan ng lungsod ng Tuguegarao, lalawigan ng Cagayan, nitong Biyernes, 5 Nobyembre.

Ayon kay P/Maj. Junvie Velasco, hepe ng Tuguegarao City Police Airport, dinakip ang suspek na kinilalang si George Adrien Favarielle, mula New Jersey, USA, nang magbirong may bomba ang kanyang maleta habang sinisiyasat ng mga kawani ng Cebu Pacific.

Bagaman nagpa­liwanag ang dayuhan na biro lamang ang kaniyang ginawa ay dinakip pa rin si Favarielle ng airport police at dinala sa himpilan ng Tuguegarao City PNP.

Ayon kay P/Maj. Velasco, paglabag sa Anti-Bomb Joke Law ng bansa ang ginawang bomb joke ng banyaga at hindi maaaring palagpasin ng kanilang hanay.

Kasama ng suspek ang kanyang asawang kinila­lang si Rowena Pascua, tubong-Gonzaga, Cagayan.

Nabatid na dumalo ang mag-asawa sa selebrasyon ng kaarawan ng ina ni Pascua at pabalik na sana sa Amerika ng araw na iyon.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …