Saturday , November 16 2024

Kapitan sa Jaen, Nueva Ecija, patay sa pamamaril

IPINAG-UTOS ni PRO3 PNP Regional Director P/BGen. Matthew Baccay ang lubusang imbestigasyon at malalimang pagsisiyasat hinggil sa pamamaril na naging sanhi ng kamatayan ng isang barangay chairperson sa bayan ng Jaen, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Sabado, 6 Nobyembre.

Kinilala ni P/BGen. Baccay ang namatay na biktimang si Zoilo De Belen, 56 anyos, may asawa, residente at kapitan sa Brgy. Lambakin, sa nabanggit na bayan.

Sa inisyal na imbesti­gasyon, nagdidilig ng halaman si De Belen sa highway sa kanilang barangay, nang biglang huminto ang isang itim na Chevrolet Optra, may plakang TCN 905 na hindi matukoy kung ilan ang sakay, at ilang beses pinagbabaril na naging sanhi ng agaran niyang kamatayan.

Nabatid, agad tuma­kas ang mga suspek sakay ng nabanggit na sasakyan patungo sa direksiyon ng bayan ng Zaragoza, sa naturang lalawigan.

 (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …