Saturday , November 16 2024

9 pasaway nadakma sa Bulacan

PINAGDADADAMPOT ang siyam katao dahil sa iba’t ibang paglabag sa batas sa pagpapatuloy ng operasyon laban sa krimen ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan nitong Sabado, 6 Nobyembre.

Batay sa ulat na isinumite kay P/Col. Manuel Lukban, Jr., acting provincial director ng Bulacan PNP, naaresto ang limang suspek sa anti-illegal drug operations na isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Balagtas, Marilao, at San Rafael MPS.

Kinilala ang mga nad­akip na sina Bernardo Ma­ga­ling ng Brgy. Saluysoy, Meycauayan; Ruel Herrera at Enrique Basquinas, kapwa mula sa Brgy. Santol, Balagtas; Joshua Santelices, alyas Akang, ng Brgy. Iba Industrial, Meycauayan; at Joselito Laurente ng Brgy. Loma de Gato, Marilao.

Nakompiska ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang kabuuang 17 pakete ng hinihinalang shabu at buy bust money.

Samantala, nasukol ang dalawa pang suspek nang magresponde ang mga tauhan ng Balagtas MPS at 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa magkakahiwalay na insidente ng krimen.

Kinilala ang mga arestadong suspek na sina Jayson Yuson ng Brgy. Towerville, San Jose del Monte, dahil sa paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearm and Ammunition Regulation Act); at John Paul Mondiego ng Brgy. Santol, Balagtas sa kasong Rape.

Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek na naha­harap sa mga reklamong kriminal na nakatakdang ihain sa korte.

Gayondin, timbog ang dalawang kataong pinag­ha­hanap ng batas sa ikinasang manhunt operation ng tracker teams ng Malolos CPS at mga elemento ng Norzagaray MPS at HPT Bulacan.

Kinilala ang mga suspek na sina Jasper Alejo ng Brgy. Bagna, Malolos, arestado sa paglabag sa PD 1602 (Anti-Illegal Gambling Law); at Mark Niño Tumandao ng Brgy. Tigbe, Norzagaray, sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002).

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …