Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulacan, SEPS, Best in LGU Empowerment Award

SEPS Online ng Bulacan, waging Best in LGU Empowerment sa DGA 2021

INIUWI ng Socio Economic Profile System (SEPS) Online ng lalawigan ng Bulacan ang Best in LGU Empowerment Award – Best in Interoperability Award (Province Level) sa ginanap na virtual na Digital Governance Award 2021 sa pamamagitan ng Zoom noong  nakaraang Biyernes, 29 Oktubre.

Tinanggap ni Gob. Daniel Fernando, kinatawanan ni Panlalawigang Tagapangasiwa Antonia Constantino, kasama sina Inh. Rhea Liza Valerio, pinuno ng Provincial Information and Technology Office (PITO) at Officer-In-Charge ng Provincial Planning and Development Office (PPDO) Inh. Randy Po, ang parangal mula sa Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of the Interior and Local Government (DILG), at National ICT Confederation of the Philippines (NICP).

Ayon kay Constantino, magsisilbing inspirasyon ang parangal para sa patuloy na paglulunsad ng mga solusyon kabilang ang pagbibigay ng mas mabuting serbisyo lalo sa mga panahon ng pagsubok, at upang maging inklusibo sa lipunan at sa ekonomiya para sa ikabubuti ng mga mamamayan.

“Digital tools and social media have empowered people to widespread access to information and global connection. We, at the Provincial Government of Bulacan, are using technology to be more transparent, accountable and inclusive,” anang panlalawigang tagapangasiwa.

Pinasalamatan niya ang PITO at PPDO at lahat ng mga kawani nito sa pangunguna para makamit ang isa na namang tagumpay ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan.

Ginawang posible ng SEPS Online para sa parehong pampubliko at pribadong mga institusyon, mananaliksik, mag-aaral, at sa publiko na ma-access ang Socio-Economic Profile ng mga lokalidad ng real time at agarang matapos ang pagsasara ng taon ng SEP sa sistema, kompara sa luma at kombensiyonal na pamamaraan na karaniwang inaabot ng isang buong taon bago maisapubliko.

Ang DGA ang taunang pagpaparangal sa mga pinakamahusay na kasanayan ng mga lokal na pamahalaan sa paggamit ng information and communications technology (ICT) upang epektibo at episyenteng maiparating ang serbisyo-publiko sa mga mamamayan at mangangalakal. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …