Saturday , November 16 2024

Sa 2 araw na police ops
17 LAW VIOLATORS NASAKOTE SA BULACAN

NAGRESULTA sa pagkakadakip ng 17 kataong pawang may paglabag sa batas ang mas pinaigting na kampanya ng Bulacan PNP laban sa mga kriminal nang magsagawa ang mga awtoridad ng police operations sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Bulacan nitong 2-3 Nobyembre.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Manuel Lukban, Jr., provincial director ng Bulacan PPO, nabatid na 12 drug suspects ang naaresto sa drug stings na ikinasa ng Station Drug Enforcement Units ng Bulakan, Plaridel, Meycauayan, Pulilan, at Sta. Maria PNP.

Kinilala ang mga suspek na sina Gabriel Dayao, alyas Gabby, ng Brgy. Culianin, Plaridel; Clarence Maniego ng Brgy. Makinabang, Baliuag; at Angelica Jacinto, alyas Nene, ng Brgy. 161, Caloocan City, pawang kabilang sa drug watchlist; Henry Bañares; Angelica Gogolin, alyas Egay, at Bienvenido Valmonte III, alyas Bendoy, mga residente sa Brgy. Culianin, Plaridel; Carlos Miguel Bituin, ng Brgy. Bambang, Bulakan; Sebero David, alyas Tenga, ng Brgy. Iba, Meycauayan; John Mark Baisa, alyas Onmak, at Richmar Masangya, alyas Toto, kapwa ng Brgy. Perez, Meycauayan; Arvin Sumang, alyas Babeng, at Lheocito Dela Calzada, alyas Leo, kapwa ng Brgy. Caysio, Sta. Maria.

Nakompiska mula sa mga suspek ang 48 selyadong pakete ng hinihinalang shabu, anim na pakete ng tuyong dahon ng hinihinalang marijuana, buy bust money, habang nasamsam ang isang granada mula kay Clarence Maniego.

Samantala, nadakip rin ang lima kataong napag-alamang nagtatago sa batas sa bisa ng warrant of arrest sa mga serye ng manhunt operations na isinagawa ng Tracker Teams ng Sta. Maria, San Jose del Monte, katuwang ang mga tauhan ng Catanauan Quezon MPS Quezon PPO PRO4A, 1st PMFC Bulacan PPO, 2nd PMFC Bulacan PPO, 301st MC RMFB-3, PHPT Bulacan, 24th Special Action Company (SAF), 3rd SOU-Maritime Group, Bulacan 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Kinilala ang mga suspek na sina Erick Manalaysay ng Brgy. Balasing, Sta. Maria, inaresto sa kasong Robbery; Michael Pascua ng Brgy. San Vicente, Sta. Maria, sa paglabag sa RA 9262 o VAWC Act of 2004; Jonathan Navarez ng Brgy. Caypombo, Sta. Maria, para sa kasong Qualified Theft; Jayson Cruzaldo, ng Brgy. Muzon, San Jose del Monte, para sa kasong Frustrated Murder; at Nemelyn Capariño, ng Brgy. Banga II, Plaridel, sa kasong PD 1829 o Obstruction of Apprehension and Prosecution of Criminal Offenders. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …