KUWENTO sa amin ng isang kilalang showbiz gay, noong araw daw ay naging pantasya niya ang isang poging dancer na kasama sa isang sikat na all male dance group. Nagsimula raw siyang mag-ipon ng pera sa isang malaking bote bilang paghahanda sakaling magkaroon siya ng pagkakataon sa poging dancer.
Pero para siyang binagsakan ng langit nang makita niya ang poging dancer na hada-hada na ng isang matronang taga-showbiz din. Hindi siya makapaniwala noong una, dahil ang alam niya isang sexy male star, at isang male singer ang kulukadidang ng matrona, iyon pala pati ang crush niyang dancer ay nahala na rin noon.
Ang ending, naubos daw niya ang inipon niyang pera sa paglalasing dahil sa tindi ng frustration niya na naunahan pa siya ng matrona. Pero nagsisi rin siya pagkatapos, lalo na at naisip niyang ang naipon niya noon para sa poging dancer ay sobra pang ipang-downpayment sa isang bagong kotse ngayon.
Ang matindi pa, nang makita niya kamakailan ang dating poging dancer na pantasya niya, mukhang matanda na, mataba, at wala na ang makinis at poging mukha.
“Iyon ang napala niya sa pagpatol sa mga matrona,” sabi ng showbiz gay.
(Ed de Leon)