Saturday , November 16 2024
covid-19 vaccine for kids

Pagbabakuna sa kabataan sinimulan na sa Bulacan

SINIMULAN ng lalawigan ng Bulacan ang pagbabakuna sa500,000 populasyon ng kabataan na may edad 12-17 anyos sa Bulacan Provincial CoVid-19 vaccination site, Hiyas ng Bulacan Convention Center, sa lungsod ng Malolos, nitong Miyerkoles ng umaga, 3 Nobyembre.

Personal na binisita ni Gob. Daniel Fernando ang vaccination site upang makita ang simula ng pagbabakuna sa Pedia A3 o mga batang may comorbidity at ang Rest of the Pediatric Population (ROPP).

Sa kanyang mensahe sa programang pamamahagi ng Tulong Pang-Edukasyon para sa Bulakenyo na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium, hinikayat ng gobernador ang mga kabataan na magpabakuna laban sa CoVid-19.

“Sa ngayon, mga kabataan na 12 to 17 years old ang ating binabakunahan. Inuuna lamang po ang mga may comorbidity. Kaya nakikiusap po kami sa inyo, magpabakuna po kayo dahil depensa po natin ito para sa ating kalusugan,” ani Fernando.

Idiniin din niya ang kahalagahan ng pagiging bakunado lalo ngayon na maaari nang lumabas sa kanilang tahanan ang mga menor de edad at maglaro ng contact sports kasabay ng pagluwag ng mga quarantine restriction dahil nasa ilalim na ng Alert Level 2 ang Bulacan.

Ani Fernando, paninindigan niya ang kahilingang ipagpaliban ang pagsisimula ng limitadong face-to-face classes sa lalawigan hangga’t binabakunahan ang mga kabataan laban sa CoVid-19.

“Nanindigan po ako na hindi muna ako papayag na magkaroon kayo ng face-to-face dahil kailangan mabakunahan muna lahat ng ating mga kabataan hanggang dumating sila sa second dose. Maganda po ang laban natin sa CoVid-19 kaya pinayagan tayo sa mas maluwag na alert level system ngunit pangunahin pa rin ang ating pag-iingat,” anang gobernador.

Maaaring sagutan ng mga Bulakenyo ang registration form sa tinyurl.com/BULACANPediaReg para sa pagbabakuna sa mga kabataan at hintayin ang mensahe para sa iskedyul. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …