Saturday , December 21 2024

Kaso ng katulong laban sa Konsehal, ‘wag pakialaman!

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

HUWAG makialam sa kasong kidnapping con rape etc., na isinampa laban sa isang Quezon province Councilor.

Iyan ang apela ng grupong Citizens Movement Against Corruption, Crime, Illegal Drugs and Gambling, Inc., sa pamumuno ni Professor Salvador De Guzman kay Quezon Province Governor Danilo Suarez.

Bakit nakikialam ba si Gov. Suarez? Mr. Governor, nakikialam nga ba kayo kaya ang grupo ay umaapela sa inyo?

Tinutukoy na konsehal sa bayan ng Lopez, Quezon Province ay si Arkie Manuel Yulde na dinakip ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest kaugnay sa kasong pagdukot at panggagahasa na isinampa laban sa kanya ng biktima na isang katulong.

Nakakulong man ngayon si Lopez, siya ay tumakbo pa rin sa pagka-alkalde sa Lopez para sa halalan 2022. Kunsabagay, puwede naman siya tumakbo sa anomang nais niyang posisyon dahil hindi pa napapatunayang nagkasala ang mama. Ibang klase talaga ang batas ng Filipinas ano!? Napakaluwag at sobrang kengkoy.

Balik tayo kay Gov. Suarez. Ang pag-apela ng grupo kay Suarez ay ipinahayag ni Professor Val Guevarra, tagapagsalita ng grupo. Aniya, dapat huwag makialam si Suarez sa kaso ng kanyang kaalyado sa politika dahil isang kasambahay ang nagsampa ng kaso na tinutulungan ng anti-crime group para makamit ang hustisya.

Ano pa man, naniniwala si Guevarra na makakamit ng biktima ang katarungan.

Sa kasalukuyan ay dinidinig pa ang kaso ni Yulde sa Regional Trial Court Branch 53 sa Rosales, Pangasinan. Sa arraignment noong Oktubre 27, 2021 pinabulaanan ni Yulde ang mga akusasyon laban sa kanya.

Yes, not guilty ang plea ni Yulde kay Judge Roselyn Andrada-Borja.

Nagpahayag ang anti-crime group ng pagpapasalamat kay Judge Borja makaraang paboran ang kanilang petisyon na ilipat agad sa kulungan si Yulde mula detention cell ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Quezon Province papunta sa Bureau of Jail and Management Penology (BJMP) ng Balungao, Pangasinan. Oktubre 23 nang ilipat si Yulde.

Nag-ugat ang kaso laban kay Yulde sa akusasyon ng biktima na nagsabing siya ay dinukot, ikinulong at paulit-ulit na ginahasa ng akusado sa loob ng isang hotel sa Rosales mula Abril 17 hanggang Abril 22 ng taong kasalukuyan. Ang mga akusasyon ay pinabulaanan ni Yulde.

Bakit kaya ganito ang panawagan kay Gov. Suarez ng grupong tumuulong sa rape victim?  Nakikialam nga ba ang ama ng lalawigan ng Quezon.

Sir Gov. Suarez, anong masasabi ninyo sa apela ng grupo?

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …