Sunday , November 17 2024
UNESCO International Day to End Impunity for Crimes Against Journalists

Kawalan ng pananagutan sa journalist killings sumisira sa judicial system

ISA sa sampung kaso ng pagpatay sa mga mamamahayag ay hindi nalulutas kaya’t nagpapatuloy ang journalist killings na madalas ay sintomas ng mas malalang tunggalian at pagkasira ng pag-iral ng batas at judicial system sa buong mundo.

Nakasaad ito sa mensahe ng United Nations (UN) sa paggunita sa International Day to End Impunity for Crimes Against Journalists kahapon.

Hinimok ni UN Secretary-General António Guterres ang lahat ng miyembrong bansa ng UN at ang international community na manindigan kasama ang mga mamamahayag sa buong mundo at ipakita ang political will na kinakailangan upang imbestigahan at litisin ang mga krimen laban sa mga mamamahayag at media workers gamit ang ngipin ng mga umiiral na batas.

“Ending impunity for crimes against journalists is one of the most pressing issues to guarantee freedom of expression and access to information for all citizens,” ayon sa kalatas ng UN.

Mula 2006 hanggang 2020, mahigit 1,200 mamamahayag ang pinaslang dahil sa paghahatid ng balita at impormasyon sa publiko at isa sa sampung kaso ay hindi napaparusahan ang mga salarin.

Ito ang obserbasyon ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) sa mga kaso ng pamamaslang sa mga mamamahayag.

Habang ang pagpatay ang pinakamasahol na uri ng media censorship, nakararanas din ang mga mamamahayag ng iba’t ibang uri ng pagbabanta sa buhay gaya ng kidnapping, torture at iba pang atakeng pisikal at panggigipit, partikular sa digital sphere.

“Threats of violence and attacks against journalists in particular create a climate of fear for media professionals, impeding the free circulation of information, opinions and ideas for all citizens.”

Labis na apektado ang women journalists sa mga pagbabanta at pag-atake lalo ang mga ginagawa sa online.

Ayon sa UNESCO discussion paper, The Chilling: Global Trends in Online Violence Against Women Journalists, 73 porsiyento ng mga babaeng mamamahayag na sumagot sa survey ay sinabing nakaranas sila ng pagbabanta, pananakot, at pang-iinsulto online dahil sa kanilang trabaho.

Mas madalas umanong hindi iniimbestigahan mabuti ang mga kaso ng karahasan at pag-atake sa mga mamamahayag kaya’t ang hindi pagpapanagot sa mga salarin ay lalong nagpapalakas ng loob sa mga kriminal at nagdudulot ng malaking takot sa mga media workers at sa lipunan sa pangkalahatan.

Nangangamba ang UNESCO na napipinsala ang buong lipunan ng impunity o kawalan ng napaparusahan sa pamamagitan ng pagtatakip sa malalang paglabag sa karapatang pantao, korupsiyon at krimen.

 “On the other hand, justice systems that vigorously investigate all threats of violence against journalists send a powerful message that society will not tolerate attacks against journalists and against the right to freedom of expression for all,” pahayag ng UNESCO. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

2 dating kaalyadong politiko ni Mayor Vico Sotto bumaliktad

DESMAYADO na ang dalawang dating mga kaalyadong politiko ni Pasig City Mayor Vico Sotto at …

Bamboo Kawayan

Pamangkin hinamon ng duwelo , Tiyuhin patay sa palo ng kawayan

BINAWIAN ng buhay ang isang 55-anyos na lalaki matapos ilang ulit paluin sa ulo ng …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc. inilunsad

MATAGUMPAY ang grand launching ng Artist Lounge Talents MultiMedia Inc., na ginanap last November 10 sa Activity …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …