Sunday , December 21 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Blackmail nude Voyeurism Sextortion cyber

Sex videos, nude photos bantang ikalat, kelot ipinadakip ng ex-GF

ARESTADO ang isang lalaki sa bayan ng Hagonoy, lalawigan ng Bulacan nitong Linggo ng hapon, 31 Oktubre, matapos ireklamo ng dating nobya na kanyang pinagbabantaang ikakalat ang kanilang mga sex video at hubad na larawan.

Kinilala ang suspek na si Aldrin Dale Pingon, residente sa Brgy. Canalate, Malolos, na inaresto ng mga tauhan ng Hagonoy Municipal Police Station (MPS) sa Brgy. San Sebastian, sa nabanggit na bayan.

Ayon sa ulat, pinagbabantaan ng suspek ang dating nobyang itinago ang pangalan, na ikakalat ang kanilang sex videos noong sila ay magkarelasyon pa at maging ang mga kuha niyang hubad na larawan ng biktima kung hindi makikipagkitang muli at makikipagbalikan sa kanya.

Agada nakipag-ugnayan ang biktima sa mga tauhan ng Hagonoy MPS na nagresulta sa pagkaaresto sa suspek sa lugar kung saan gusto niyang katagpuin ang dating nobya. Nakakakulong na ang suspek sa Hagonoy MPS Jail na nahaharap sa reklamong kriminal na ihahain sa korte. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …