Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa Bansalan, Davao del Sur
REPORTER BINARIL TODAS SA LOOB NG APARTMENT

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang mamamahayag nang barilin ng hindi kilalang suspek sa loob ng isang apartment sa bayan ng Bansalan, lalawigan ng Davao del Sur, nitong Sabado ng gabi, 30 Oktubre.

Kinilala ni P/Maj. Peter Glen Ipong, hepe ng Bansalan police, ang biktimang si Orlando “Dondon” Dinoy, pinatay sa loob ng kanyang apartment/boarding house sa Mother Ignacia St., Brgy. Poblacion Uno, sa naturang bayan, pasado 6:00 pm.

Ayon sa National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), ang Dabawenyong si Dinoy ay reporter para sa online news site na Newsline Philippines at host ng isang blocktime program sa Energy FM radio station sa lungsod ng Digos.

Nabatid na naging correspondent din ng Sunstar Superbalita-Davao at Philippine Daily Inquirer si Dinoy.

Sa ulat mula pulisya, sinabing namatay ang biktima sanhi ng mga tama ng bala ng baril sa kanyang katawan.

Dagdag ng NUJP, napag-alamang nasa loob ng isang makeshift broadcast booth si Dinoy nang barilin nang malapitan ng suspek.

Ani Ipong, nangangalap ng impormasyon ang mga imbestigador upang matukoy ang motibo sa pamamaslang.

Isa umano sa mga teorya ng pulisya na posibleng may kaugnayan sa kanyang trabaho ang pagkitil sa buhay ni Dinoy.

Nagsumite ang Bansalan MPS ng paunang report at assessment sa Davao del Sur Provincial Police Office.

Dagdag ni Ipong, kakausapin ng mga imbestigador ang mga kaanak ni Dinoy sa pag-asang makakukuha sila ng karagdagang impormasyon.

Kinuha ng mga awtoridad ang cellphone ng biktima upang tingnan kung mayroong lead kaugnay sa krimen, pati ang mga kuha ng closed-circuit television cameras malapit sa pinangyarihan ng krimen.

Nitong Linggo, 31 Oktubre, ipinag-utos ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang imbestigasyon sa pangunguna ng Presidential Task Force on Media Security.

Samantala, kinondena ng Newsline Philippines ang pagpatay kay Dinoy at nanawagan sa mga awtoridad na bilisan ang imbestigasyon upang agad matukoy ang motibo sa likod ng pamamaslang.

Sa tala ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), si Dinoy ay ika-22 mamamahayag na pinaslang sa ilalim ng Duterte administration.

        Narito ang talaan: Disyembre 2016, Larry Que; 6 Enero 2017, Mario Cantaoi; 17 Pebrero 2017, Marlon Muyco; 13 Marso 2017, Joaquin Briones; 6 Agosto 2017, Leo Diaz; 7 Agosto 2017, Rudy Alicaway; 24 Oktubre 2017, Christopher Lozada; 30 April 2018, Edmund Sestoso; 12 Mayo 2018, Carlos Matas; 7 Hunyo 2018, Dennis Denora; 23 Hunyo 2018, Manuel Lacsamana;

20 Hulyo 2018, Joey Llana; 11 Enero 2019, John Michael Decano; 10 Hulyo 2019, Eduardo Dizon; 30 Oktubre 2019, Benjie Caballero; 7 Nobyembre 2019, Dindo Generoso; 6 Mayo 2020, Rex Cornelio Pepino;

14 Setyembre 2020, Jobert Bercasio; 10 Nobyembre 2020, Virgilio Maganes; 14 Nobyembre 2020, Ronnie Villamor; 2 Mayo 2021, John Heredia; at 30 Oktubre 2021, Orlando Dinoy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …