Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
PBGen Valeriano De Leon, PBGen Matthew Baccay

P/BGen. Baccay itinalagang bagong Top Cop ng Region 3

IPINAGKATIWALA ni P/BGen. Valeriano De Leon ang kanyang puwesto bilang PRO3 Regional Director kay P/BGen. Matthew Baccay, nitong Lunes, 1 Nobyembre.

Idinaos ang Change of Command Ceremony sa PRO3 Grandstand, Camp Olivas, sa lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga na pinangunahan ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eeazar.

Dating nakatalaga si P/BGen. Baccay sa PRO3 bilang hepe ng Comptrollership Division at Regional Intelligence Division.

Malugod na tinanggap ng mga tauhan ng PRO 3 PNP at binigyan ng Arrival Honors ang bagong Regional Director.

“Ang maitalaga bilang Regional Director ay mapanghamon sa akin dahil sa dalawang dahilan, una ang PRO3 ay itinanghal na Best Regional Police Office, at ikalawa dahil si P/BGen. Val De Leon ay isa sa mga hinahangaan kong Senior Officers at karangalan ko na sumunod sa kanyang yapak. As we are in the new normal, let us have no let-up in our mandated tasks. Malapit na ang Kapaskuhan at siguradong tataas na naman ang ating crimes against properties kasabay din ang paghahanda sa ating nalalapit na national at local elections, we should all be prepared. I assure our Chief PNP P/Gen. Guillermo Eleazar that PRO3 will strictly adhere to and comply with the Intensified Cleanliness Policy. Ang mabuti kong gawa gagantimpalaan at ang masama parurusahan, this will be my marching order in my tenure here in Police Regional Office 3,” pahayag ni P/BGen. Baccay.

Si Baccay ay miyembro ng PMA Class ‘92 Tanglaw-Diwa at District Director ng Eastern Police District bago naitalaga bilang PRO3 Regional Director.

Samantala, si P/BGen. De Leon ay magsisimula sa kanyang puwesto bilang Director ng PNP Civil Security Group kasunod ng compulsory retirement ni P/Maj. Gen. Ferdinand Daway. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …