Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Logan Paul, Mike Tyson

Tyson vs Paul sa Pebrero 2022

KINUMPIRMA ni dating undisputed heavyweight champion Mike Tyson na babalik siya sa boxing ring sa Pebrero 2022.

Si Iron Mike, ang boxing Hall of Famer,  na magiging 56 years old na sa June ay nababalitang muli ngang aakyat sa ring  laban sa YouTuber na naging boxer na si Logan Paul.

Matatandaan na minsang hinamon ni Paul si Floyd Mayweather sa isang laban pero umayaw ang dating kampeon ng welterweight.

Ang report ay unang pumutok  sa social media outlet Drama Alert.  At sa panayam ng The Sun, kinupirma ni Tyson na muli nga siyang aakyat sa ring sa kaagahan ng 2022.

“I am going to have a return fight in February and we are pretty sceptical about the opponent, but it will be a really stimulating opponent,” sabi niya.

Nang tanungin si Tyson kung ang makakaharap niya sa pagbabalik niya ay isa sa Paul brother—si Jake o si  Logan—sagot niya ay mahirap tanggihan ang malaking perang alok para muling lumaban.

Si Tyson ay isa sa pinakamatinding fighters  sa lahat ng panahon at naging heavyweight champion of the world sa edad na 20.

 “That is the fight for the money. Those are the money-making fights, those guys got 35 million people to watch,” sabi niya.

“Yes. Hell, I would fight them. They would fight me. That would make a lot of money. Hundred million dollars, they do anything, they don’t mind getting beat up for a hundred million dollars.”

Sa ilang buwan na nakalipas, naging malapit si Tyson kay Jake. 

Sina Logan at Jake Paul ay maraming inobasyon ang ipinakita sa boxing na nagbigay atensiyon sa mga boxing—tulad ng ginawa noon ni Tyson  nung 80s at 90s.

Logan and Jake Paul have changed boxing in many ways, with new eyes being drawn to it – much like Tyson did in the 80s and 90.

Habang ang matchup ay malaking posibilidad na mangyari ang laban kay Logan na preperable ang isang exhibition fights, kumpara kay Jake na gustong ilarga ang laban bilang professional bout,  malamang na mangyari ang Logan-Tyson fight sa sinabi niyang buwan at taon.

“My family loves Jake Paul. So f***ing easy (I would knock him out). Yeah, but I never would,” sabi niya sa  Full Send Podcast earlier this month.

“I would be against my own f***ing family. They love this little white motherf***er. You know what I mean? He has f***ing balls.”

Si Logan ay napalaban na kay Floyd Mayweather na nakatapos ng 8th rounds sa isang exhibition match. 

Samantalang si Tyson ay huling nakita sa ring laban kay Roy Jones sa isa ring exhibition fight na nagtapos sa draw nung Nobyembre 2020.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …