Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Ping, Bongbong at Isko ang bakbakan

SIPAT
ni Mat Vicencio

HABANG papalapit ang halalan, tatlong malalakas na presidential candidates ang inaasahang mahigpit na maglalaban-laban, samantala ang tatlong natitirang kandidato naman ang siguradong maiiwan sa nakatakdang eleksiyon sa Mayo 9, 2022.

Sina Senator Ping Lacson, dating Senator Bongbong Marcos at   Manila Mayor Isko Moreno ang maglalaban sa homestretch at sina Senator Manny Pacquiao, Vice President Leni Robredo at Senator Bato Dela Rosa ay mananatiling nakabuntot na lamang sa tatlong mangungunang kandidato.

Kung tutuusin, hindi na dapat natin isinama si Bato sa tatlong kandidatong kulelat dahil wala naman itong bilang sa eleksiyon at kung ano man ang plano niya sa Nobyembre 15 ay walang pakialam sa kanya ang taongbayan.

Si Pacquiao, paulit-ulit na lang ang gimik at wala ng patol, ‘ika nga.  Simula nang matalo sa kanyang huling laban sa boksing, marami na ang nanlamig kay Pacquiao at tanging pamimigay na lamang niya ng pera ang inaabangan ng karamihan.

Si Leni naman, mukhang tuloy-tuloy nang nahibang.  Inakala ‘ata na dahil sa pagkalat ng kulay pink ay mapapataob niya sina Ping, Bongbong at Isko.  Kawawa ang babaeng ito, parang hindi na nag-iisip, pati vote buying ng mga kandidato ay pinaboran.

Sa ngayon, sa usapin ng mainstream at social media, angat ang dalawang kandidatong sina Bongbong at Isko, samantala si Ping naman ay unti-unting dumidikit sa kanila dahil na rin sa mga propaganda materials na tarpaulin sa Kamaynilaan at mga billboards na makikita sa kahabaan ng North Luzon Expressway o NLEx.

Payo natin kay Ping, palakasin pa ang social media para makasabay kina Bongbong at Isko.

Batay sa mga nagdaang survey ng Pulse Asia, si Bongbong at si Isko ang nangunguna pero umaasa naman ang mga supporters ni Ping na aangat ito sa mga darating na survey  bago pa man dumating ang campaign period na magsisimula sa Pebrero 8 hanggang Mayo 7.

Kaya nga, sinasabi nating mahirap tibagin ang tatlong presidential candidates na sina Ping, Bongbong at Isko. Malalim at nakatatak na sa isipan ng mamamayan ang pangalan ng tatlong politiko bilang lingkod-bayan.

At kahit ano pa ang gawing propaganda nina Leni at Pacquiao, hindi ito kakagatin ng mamamayan. Mukhang nakatadhana kina Ping, Bongbong at Isko sa kung sino sa kanilang tatlo ang pipiliin ng mga botante na maging susunod na pangulo.

At kay Bato Dela Rosa…ha ha ha ha ha ha ha ha ha ha ha ha ha!!!

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …