Tuesday , November 19 2024
Papa Sweet Sarap Banana Ketchup
Mas pinatatag man ng B-Vitamins, nananatiling matamis at masarap ang Papa Sweet Sarap Banana Ketchup.

Papa Sweet Sarap Banana Ketchup, mas pinagtibay ng B-Vitamins

MAY bagong handog ang Papa Sweet Sarap Banana Ketchup bilang sila ang nangunguna sa pagtataguyod ng pagkakaroon ng malusog at masarap na hapagkainan sa bawat Filipino, ito ay ang kakaibang ketchup pormula habang pinananatili ang “classic sweet sarap” na lasa na matagal nang mahal at kilala ng mga batang Filipino.

Taglay ng bagong Papa Sweet Sarap Banana Ketchup ang B1 (thiamine), B2 (riboflavin), at B6 (pyridoxine), na bahagi ng B-complex na mga bitamina na nagsasagawa ng mga esensyal na gawain para sa ikabubuti ng katawan. Tumutulong ang B1 sa pagpapakawala ng enerhiya mula sa pagkaing kinokonsumo natin, kaya mahalaga para sa mga aktibong bata. Tumutulong naman ang B2 na i-transform ang pagkaing kinakain para maging glucose at magbigay ng enerhiya sa  katawan. Mahalaga ang B6 sa nervous system ng mga bata, upang mas palakasin ang immune system at maging matatag ang katawan laban sa  karaniwang sakit at iba pang isyung pangkalusugan.

Lalo itong naging mahalaga dahil maraming batang Pinoy ang nakararanas pa rin ng malnutrisyon at kakulangan sa mga bitamina gaya ng B1, B2, at B6—ang mismong mga bitamina na mas nagpatibay sa bagong pormula ng Papa Sweet Sarap Banana Ketchup.

Sa bago nitong pormula, layunin ng Papa na gawing mas malusog ang kinokonsumo ng bawat Filipino sa tuwing kumakain, sa tulong ng taglay nitong B-vitamins. Hindi lang iyon, hangad din ng Papa na mas masarap ang bawat pagkain, sa tulong ng sweet sarap nitong lasa. Ayon sa Papa, kung isasama ang Papa ketchup sa balanseng kombinasyon ng pagkain, maitutulak nito ang pagiging masarap at malusog ng bawat “Pinggang Pinoy” ng mga batang Filipino.

Layunin ng Papa na patatagin ang pormula ng ketchup sa tulong ng mga bitamina ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, na nagpapatunay lamang na kailangang gawing prioridad ang pagpapalakas ng immune system ng bawat Filipino.

Dahil dito, ipinagmamalaki ng Papa ang bago nitong pormula, na hindi lamang masarap, kundi tiyak na palalakasin ang immunity at enerhiya ng mga batang Pinoy. Nauunawaan ng Papa na bagamat komplikado ang pananatiling malusog lalo na sa kasalukuyang panahon, nararapat lamang na may oportunidad ang bawat nanay na maibigay ito sa kanilang mga anak.

Nasasabik ang Papa na simulan ang isa sa mga programa nito sa hinaharap, ang “Papa-Sigla, Papa-Bibo, Papa-Protektado.” Isa itong kampanya sa edukasyon ukol sa nutrisyon, na susuportahan ng TV, at mga midyum na digital at trade. Magiging bahagi rin ng kampanya ang mga aktibidad na on-ground para mas maging aktibo sa pagtuturo sa mga magulang at sa mga bata.

Sa paglulunsad ng kampanyang ito, ipinakikilala sa mga bata at magulang ang mundo ng malusog na pagkain: isang paglalakbay na nagsisimula sa pagbubukas ng isang bote ng Papa Sweet Sarap  Banana  Ketchup Fortified with B-Vitamins.

About hataw tabloid

Check Also

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …