Saturday , December 21 2024
Jowar Bautista

Paninira sa panahon ng halalan, ‘wag patulan — Angat VM

SA MENSAHE sa Facebook na inilahad ni Vice Mayor Jowar Bautista, tatakbong alkalde ng bayan ng Angat, sa lalawigan ng Bulacan, kanyang sinabing hindi niya pinapatulan ang mga paninira na walang kabuluhan lalo kung mga fictitious o dummy accounts ang nagbabato nito.

Kasunod ito ng bintang na siya ang nasa likod ng mga paninira sa kanyang kalaban sa mayoralty race na si dating Sapang Bulak, Doña Remedios Trinidad Brgy. Captain Leobardo “Jumong” Piodozo na kaniya umanong kumpare sa totoong buhay.

Aniya, hindi niya pag-aaksayahan ng panahon ang mga ganitong bagay dahil higit na marami siyang dapat pag-ukulan ng pansin tulad ng mga problema sa kanilang bayan.

Gayonpaman, nababahala umano siya sa nangyayari na ang taongbayan ay nag-aaway-away upang maipagtanggol ang kanilang sinusuportahang kandidato kaya todo ang kanyang pakiusap na sana ay tigilan na ito. 

Sinabi ng bise alkalde, silang dalawa ni Kapitan Jumong ay walang personal na alitan dahil sila ay magkumpare at ninong siya ng anak ng dating punong barangay.

Nakalulungkot nga lamang aniya na ang kumpare pa pala ang magiging katunggali sa darating na halalan sa Mayo sa susunod na taon.

Dagdag niya, iginagalang niya ang pasya ni Kapitan Jumong lalo na kung kinikilala ng ating batas ang kanyang karapatan na maging kandidato sa bayan ng Angat. 

Hiling lamang ni VM Jowar sa mga tagasuporta na sana ay magrespetohan at huwag nang umabot sa pag-aaway lalo kung hindi naman magiging malusog ang talakayan. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …