Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
BULACAN 911

Bulacan 911, maaari nang tawagan para sa emergency cases

OPERASYONAL na at maaari nang tumawag sa emergency hotline 911 ang mga Bulakenyo para sa anomang uri ng emergency na nangangailangan ng agarang tugon matapos pormal na ilunsad ang Bulacan 911 nitong Linggo ng umaga, 31 Oktubre, sa Bulacan Capitol Gymnasium, sa lungsod ng Malolos.

Sinabi ni Gob. Daniel Fernando, matapos ang matagal na paghihintay, mabilis at madali nang makatatawag nang libre ang mga Bulakenyo sa oras ng sakuna.

“911 is very famous not only in the country at napakadaling tandaan. Kaya binabati ko ang lahat ng ka-partner natin dito para maglaan ng dagliang tugon sa ating mga kababayan 24/7. Ang kailangan kasi natin talaga, mabilis na komunikasyon, maayos na linya ng komunikasyon at mabilisang pagtugon,” ani Fernando.

Pahayag ni PLDT Vice President Dennis G. Magbatoc, pinuno rin ng Corporate Relationship Management-PLDT Enterprise, higit na nagkakaroon sila ng inspirasyon na maging bahagi ng programa dahil maraming mga lokal na pamahalaan ang tumutugon sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magkaroon ng kani-kanilang lokal na 911 call center para sa emergency.

“Since it was approved na, ang 911 ang magiging nationwide emergency answering point kapalit ng Patrol 117, lalong pinag-ibayo ng PLDT ang pagbuo ng cloud-based contact center platform upang gamitin sa 911 hotline,” saad ni Magbatoc.

Aniya, Bulacan ang pinakabagong nadagdag sa mga lokal na pamahalaang naglunsad na ng 911 hotline kasama ang Puerto Princesa, Palawan, Tarlac City, Bataan, Parañaque City, Olongapo, Ilocos Norte, La Union City, Cagayan de Oro, Negros Occidental, Sorsogon, Legaspi City, Albay, at Baguio City.

Bukod dito, sinabi ni Executive Director Diosdado T. Valeroso ng Emergency 911 National Office sa kanyang mensahe na ibinahagi ni Philip Uy, pinuno ng Capacity Development Emergency 911 National Office, “Harinawa, gawin nating instrumento ang 911 na magdudulot ng kasagutan sa mga agam-agam sa paghingi ng agarang saklolo. Dala namin ang inspirasyon na pag-ibayohin pa ang paglilingkod at pagpapalawak ng 911 sa buong Filipinas.”

Samantala, ibinahagi ni Bokal Alex Castro ang pinagdaanan ng Bulacan 911 mula sa pagbuo ng konsepto hanggang sa paglulunsad nito.

“Ginagawa natin ang lahat para mas matugunan ang mga pangangailangan ng mga Bulakenyo lalo sa panahon ng sakuna na hindi alam kung saan tatakbo. Nagsagawa tayo ng mga pagsasanay para maitulad natin sa international standards and ating mabilisang pagtugon sa emergencies,” ani Castro.

Ang Bulacan 911 ay nasa ilalim ng Bulacan Rescue Project kaya maaari pa rin tawagan ang Bulacan Rescue hotline (044) 791-0566 na nagreresponde sa panahon ng emergency sa lalawigan simula 2010. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …