Saturday , December 21 2024

Most wanted rapist ng Malolos timbog

NASAKOTE ang itinuturing na most wanted person (MWP) ng lungsod ng Malolos, sa lalawigan ng Bulacan sa inilatag na manhunt operation ng pulisya kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Col. Manuel Lukban, Jr., provincial director ng Bulacan PPO, ang suspek na si Aldwin Bernardino, alyas Alphine, residente sa Brgy. Caingin, sa naturang lungsod.

Batay sa ulat, nakorner si alyas Alphine sa Brgy. Sumapang Matanda, dakong 3:30 pm nitong Miyerkoles, 27 Oktubre, sa manhunt operation na ikinasa ng mga tauhan ng Malolos CPS katuwang ang Bulacan Provincial Intelligence (PIU), at Bulacan 1st PMFC.

Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa dalawang bilang ng kasong Qualified Rape, Qualified Sexual Assault, at paglabag sa Section 5 (B) of RA 7610. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …