Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Habang nanghuhuli ng dagang-bukid
7-ANYOS TOTOY NAATRASAN NG TRAKTORA PATAY

NAUWI sa trahedya ang masayang panghuhuli ng dagang-bukid ng isang batang lalaki, kasama ang ilang kaibigan, nang maatrasan ng isang traktorang pang-ani at bawian ng buhay sa bayan ng Ramos, sa lalawigan ng Tarlac.

Sa ulat, kinilala ang biktimang si Prudencio Mangaoag, Jr., 7 anyos, residente sa Brgy. Panse, sa nabanggit na bayan.

Nabatid na may kasamang ibang bata ang biktima sa panghuhuli ng dagang-bukid nang mangyari ang trahedya.

Ayon sa pulisya, sinusundan ng mga bata ang traktora dahil naglalabasan ang mga daga kapag nadadaanan nito ang mga pananim.

Sa pahayag ng ina ng biktima na si Luisita, nalaman niya sa mga kalaro ng anak na naatrasan ang bata ng traktora.

Ayon sa operator ng harvester sa pulisya, hindi niya alam na nasa likuran niya ang mga bata kaya nasagasaan niya ang biktima nang umatras siya.

Dahil sa hindi inaasahang pangyayari, napaiyak na lamang ang operator at hindi agad nakagalaw nang malamanng nakaaksidente siya at hindi sinasadyang nakapatay. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …