Saturday , November 16 2024

Barangay chairman, lady official, sugatan sa riding-in-tandem

BINARIL at sugatan ang isang barangay chairman kabilang ang opisyal nito ng motorcycle riding in tandem suspects sa harapan ng barangay hall sa Pasay City.

Isinugod sa San Juan De Dios Hospital ang mga biktimang sina Evan Basinillo, 49, chairman ng Barangay 179, Maricaban, Pasay City, may tama ng bala sa kaliwang bahagi ng baywang at kanang braso; at Rowena Remo, 43, Brgy. Women’s Desk, ng Block 24 Lot 7, Saint Francis St., ng nasabing barangay na may tama rin sa binti at beywang.

Inaalam ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng dalawang lalaking suspek.

Sa naantalang ulat na isinumite kay Southern Police District (SPD) chief, BGen. Jimili Macaraeg, ang pamamaril ay naganap sa Saint Peter St., Brgy. 179, Pasay City dakong 11:45 pm nitong Lunes, 25 Oktubre.

Sa inisyal imbestigasyon, nabatid na nakaupo sa hagdanan ng barangay hall sina Basinillo at Remo nang sumulpot ang dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo saka pinaulanan ng bala ang dalawang biktima na kanilang ikinasugat.

Matapos ang pamamaril tumakas ang mga suspek sa hindi matukoy na direksiyon.

Nagsagawa ng follow-up operation ang Sub-Station 7 sa pangunguna ni Lt. Marvin Manalo, deputy commander, matapos matanggap ang report ng pamamatil mula sa isang concerned citizen.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang walong basyo at apat na fired bullets.

Napag-alaman na malapit lamang sa naturang presinto ang pamamaril kaya narinig ng pulis na naka-duty ang sunod-sunod na putok ng baril sa naturang lugar.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang awtoridad sa pamamaril sa mga biktima.  (GINA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …