TAYANGTANG
ni Mackoy Villaroman
NAGSIMULA ang lahat sa isang panawagan mula sa mga makabayan na maka-Leni na nag-uudyok sa lahat na sumali sa isang malawakang motorcade na gaganapin sa Sabado, ika-22 ng Oktubre, na nagsimula sa iba’t ibang panig mg bansa. Samakatuwid, isang malaki at malawak na motorcade.
Sa maikli ikinagulat ito ng mga nasa poder, pati kasapakat niya, dahil inanod ng kulay kalimbahin ang lahat ng sulok ng bansa. Pati ang social media ay nagkulay-rosas dahil sa rami ng retratong ipinaskil na nagpapakita ng maraming sasakyang pribado na may Leni posters at binihisan ng mga streamers at stickers na kulay-kalimbahin. Hindi mga kotse, van at mga trak, kundi pati mga bangka, kumpit, at sasakyang pandagat. Pati kalabaw na may karitela, mga bisikleta ay pasikad-sikad ang nakikitang nakapila, nagpaparada para kay Leni Robredo.
Maya-maya bumanat na ang mga alipores ng mandarambong at naglabas ng mga retrato na nagsasabing binayaran ang mga lumahok sa motorcade. Naglabas pa ng retrato ng sobre na may laman na isandaang piso kalakip ang mga Leni stickers at pink ribbon. Meron palang naglabas ng retrato na may sobreng kalakip ang Leni pharapernalia at beinte pesos. Beinte pesos? Natawa talaga ako rito dahil ang halaga ay hindi aabot sa kalahating litro ng krudo.
Nagugunita ko noong panahon ng mandarambong, ang kanyang “dragon lady” ay notorious sa pagmumudmod ng beinte pesos. Ni hindi siya nakitang magbigay ng singkuwenta man lang. Kaya natawa lamang ako dahil ipinipilit nila na ito ay gawa ng makalumang estilo ng maruming politika. Ang akala nila uubra iyon ngayon. Hindi maarok ng maliliit nilang pag-iisip na ang mga lumahok sa malawakang motorcade ay mga pribadong mamamayan na ang tanging gusto ay mabago ang takbo ng pamumuno at mawala ang hagarang korupsiyon na ngayon ay nananaig sa kasalukuyang administrasyon.
Kaya para sa akin, malaking pagkakamali ang isipin ng mga anti-Leni na ito ay makukuha sa pera-pera lamang. Malaking pagkakamali nila na sa akala nila’y mabibili ang dangal ng isang matinong mamamayan.
Nagkakamali sila kung sa akala nila ang lahat ay puwedeng idaan sa style nilang bulok.
At kinakabahan sila dahil nakikita nila na may matinding tulog sila sa 2022.
*****
ANO na pala nangyari sa planong palawakin ang pasilidad ng UP-PGH sa loob ng UP Campus? Kung natatandaan ko, naaprobahan ang plano nito noong panahon ng dating administrasyon ni Benigno C. Aquino III at nagkaroon ng budget para rito noong 2017. Nang suriin ko ang mga dokumento hinggil dito, natuklasan ko naibigay kay UP chancellor Danilo Concepcion, pero nang suriin ko nakita ko na “pending” pa ang proyekto at subject for approval ng UP board.
Malaking palaisipan ito sa akin dahil kung napondohan na ang proyekto, nasaan ang pondo?
Sa ganang akin maraming dapat sagutin si Chancellor tungkol dito. Ang tinutukoy kong Chancellor ay nagsisilbing lider sa itinayo noong Kabataang Barangay na pinamumunuan ng ngayong senador Imee Marcos.
*****
Sa pag tuldok sa kolum, ito ang saloobin ng dating Senador Jun Magsaysay: “No fake degrees. No corruption issues. No unexplained wealth accumulation while in public service. Not a part of a political dynasty. Did NOT choose to be a placeholder when her husband finished his term as Mayor in Naga. Not guilty of any criminal cases or unlawful acts. Not a joke. Not a sham. Not a power-tripper.
“She is the current Vice-President that has done many relevant and timely programs/projects and has forged many partnerships to make the seemingly impossible pursuits happen. She is the kind of lawyer who understands, respects, and upholds the law. She is a public servant who values accountability, transparency, and community participation. She is a development worker who is immersed in the communities she serves. She is a teacher that facilitates learning anchored in facts. She is a mother who raised educated and well-mannered daughters. She is an empowered woman through and through. Given her track record and other relevant aspects she’s involved in, you can tell a lot about the kind of character she has.
“Long before she became a public servant, she has been closely working with and for vulnerable communities/groups. She did that without fanfare. She walked hundreds of kilometers to remote areas. She slept in boats. She understands the plight of people and she admits that she cannot give solutions to their issues all by herself. How grounded and pragmatic. Yes, that’s her even before joining politics.
“Throwing support for Leni is not a gamble. It is a step closer to a better Philippines. I don’t think Leni deserves the kind of Filipinos many of us are. But she is the kind of leader we need at this point. ENOUGH of TRAPOS. We deserve better.
Rooting for Leni is not a favor we accord to her. Rooting for Leni is a favor we owe to ourselves, to the country, and the generations of Filipinos to come.”
*****
Mga Piling Salita: Leila de Lima, prisoner of conscience: “There’s no stopping the Pink Revolution. Surge of volunteerism. Heightened social media activism. Mushrooming of campaign hubs all over the country. Ah yes, stores running out of pink clothing and other items. The pro-Leni trend is now irreversible.”