ANG lakas ng tsismis na ang isa raw baguhang male star, na talaga namang pogi at sexy ang dating ay inili-link nila sa isang matinee idol na matagal nang sinasabing “may kakaibang kasarian.” Ang lumalabas pa, sustentado raw ng bading matinee idol ang baguhang pogi, kaya ok lang sa kanya kung wala siyang assignment.
May nagsasabi naman na kaya sustentado siya ng gay matinee idol, kasi bukod nga sa happy iyon na may boytoy siya, napipigil pa niya ang pagsikat ni pogi at wala siyang makakalaban at makaka-agaw sa popularidad sa kanilang network. Tanggap naman niyang wala siyang binatbat sa mga matinee idol sa kabila.
Habang boytoy niya si pogi at seksing newcomer, ang kalaban lang niya bilang pinakasikat na matinee idol ay iyong isang lumipat din sa kanila mula sa kalaban nilang network. (Ed de Leon)