Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
22-anyos kelot nasakote sa controlled delivery (P.5-M ecstacy nasabat) Alex Mendoza

P.5-M ecstacy nasabat
22-ANYOS KELOT NASAKOTE SA CONTROLLED DELIVERY

NAARESTO ang isang drug suspect sa controlled delivery operation sa Tondo, Maynila nitong Biyernes na nakompiskahan ng P508,300 halaga ng party drug ecstasy.

Kinilala ng Philippine National Police’s Drug Enforcement Group (PDEG) ang suspek na si Ranniel Raquin, 22 anyos, naaresto sa Dagupan St., Barangay 49, dakong 10:50 am.

Agad sinunggaban ng mga mga pulis si Raquin matapos niyang tanggapin ang parselang naglalaman ng 299 ecstasy tablets. Hindi ibinunyag ng PDEG kung sino ang consignor ng nasabing shipment, na sinabing nagmula sa Germany.

Inaresto si Raquin dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act.

(ALEX MENDOZA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Mendoza

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …