Monday , December 23 2024

BSP positibo ang reaksiyon sa LYKA

POSITIBO ang reaksiyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa plano ng LYKA na magparehistro bilang isang “operator of payment system” o OPS.

Ayon sa statement na inilabas kamakailan ng BSP, “The Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) welcomes the reported decision of Lyka/Things I Like Company Ltd (TIL) to apply for registration as an Operator of Payment System under Philippine Laws and regulations

“As regulator of the Philippine payment system, the central bank shall continue to promote policies that foster the welfare of consumers, merchants, banks, and other participants in the country’s payments ecosystem.”

Sinabi naman ng pamunuan ng LYKA na bahagi ng kanilang intensiyon na magparehistro bilang isang OPS para makapag-establish ng sariling operasyon sa Pilipinas at kumuha ng “the best people available.”

“Just as we have established wholly-owned subsidiaries in the United States, South Korea, Malaysia and Indonesia, LYKA Philippines will hire the crème de la crème when it comes to business operations and management,” bahagi pa ng mensahe ng LYKA sa publiko.

Nais ng LYKA management na magkaroon ng “national head and best support team for its Philippine operations” upang maisakatuparan sa lalong madaling panahon ang hangarin ng korporasyon para sa Pilipinas na maging pangunahing social media app sa buong mundo.

“The addition of an internal entity in a social media hub like the Philippines can only bring LYKA a step closer to its vision of become a global app conglomerate,” sambit pa ng pamunuan ng LYKA.

Sikat sa maraming bansa at sa Pilipinas ang LYKA, ilan sa mga artistang may LYKA account ay sina Barbie Forteza, ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga, Ana Roces, Andrea Torres, Diego Gutierrez, Ervic Vijandre, DJ Loonyo, Gary Estrada, Iwa Moto, Derrick Monasterio, Dion Ignacio, Kate Valdez, Janna Dominguez, ang mag-asawang Jinkee at Manny Pacquiao, Carlo Aquino, Shyr Valdez, Kris Bernal, Katrina Halili, Mosang, Glenda Garcia, Alma Concepcion, Jimwell Stevens, Dra. Pie Calayan, Janine Gutierrez, at Unfiltered Skin Essentials founder and CEO Rina Navarro.

Ang LYKA app, na tinatawag ding “Social Wallet” ay may halos kaparehong features at function na katulad ng sa Instagram.

Pero ang malaking kaibahan ng LYKA sa iba pang social media platforms ay ang pagkita ng pera ng users nito.

Sa LYKA, kumokolekta ng GEMs (gift cards electronic mode) ang users at naipapalit ito “as good as cash” sa partner establishments ng app. Automatic ding nabibigyan ng GEMs, o “gems” (diamond icon ang simbolo nito), ang users kapag nag-a-upload ng litrato at video.

Bukod ditto, tumatanggap din ng gems ang user tuwing nagre-rate ito ng posts ng iba pang users, at kapag nakakakuha ng ratings ang kanyang posts.

Kung likes ang termino ng reaksiyon sa ibang social media apps, “max rate” o MR ang tawag sa reaksiyong nakukuha at ibinibigay sa mga post sa app na ito.

Ibig sabihin, kung mas madalas ang engagement at interaction ng isang user sa iba pang gumagamit ng app, mas maka-iipon siya ng gems, ang bawat isang gem ay piso ang katumbas.

Ang mga naipong gems ay parang magagamit ng users sa iba’t ibang partner establishments ng app.

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …