ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
AMINADO ang talented na recording artist na si Erika Mae Salas na umaasa siyang very soon ay matatapos na ang pandemic at magiging normal na muli ang lahat.
Saad ng magandang singer, “Just hoping po na sana matapos na po ang pandemic na ito and bumalik na po sa rati ang lahat very soon.”
Ano ang naging epekto sa kanya ng Covid19, lockdown, etcetera?
Tugon ni Erika Mae, “Siguro po, mas naging maingat kapag lumalabas and iwas po palagi sa sakit. Also po, this pandemic made me realize na life is really short po, kaya we need to make the most of it.”
Siya ay kasalukuyang2nd year college sa University of Santo Thomas bilang BM Music Theatre student. Ayon pa kay Erika Mae, mas gusto niyang magkaroon na ng face to face classes sa school.
“Yes po, sana soon maging f2f na po ang mga klase namin, since hirap po kasi mag-aral online, lalo na kapag singing and dancing. More on interactive learning po kasi ang kailangan,” pakli pa niya.
Ipinahayag din niyang sobrang nami-miss na niya ang mag-perform ng live. “Sobrang nami-miss ko po talaga ang pagpe-perform lalong-lalo na sa harap po ng madaming tao, kasi roon po talaga humuhugot ng lakas ‘yung mga performers.”
Nabanggit din ni Erika Mae ang isa sa pinagkaka-abalahan niya ngayon every Sunday.
Aniya, “I’m currently doing an Acoustic Live Show po sa aking FB page na “Erika Salas” every Sunday, 8pm.
“It started a month ago po. I am with my guitarist JM Roldan and beatboxer na si Oliver Thomson. It’s a one and half hour show of singing and interacting with the viewers po. We have so much fun doing this show. Hope you can watch it one time.”