Saturday , November 16 2024

Ilegal na troso nasamsam sa Bulacan

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang mga ilegal na troso mula sa apat katao sa isinagawang anti-illegal logging operation sa bayan ng Doña Remedios Trinidad, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles ng hapon, 13 Oktubre.

Kinilala ni P/Col. Manuel Lukban, Jr., acting provincial director ng Bulacan PPO, ang apat na suspek na sina Christian Lungalong, July Tamayo, Aldrin Jay Berin, at Rodel Dayson, pawang mga residente sa Brgy. Pias, bayan ng Gen. Tinio, lalawigan ng Nueva Ecija.

Nabatid na nagkasa ang magkasanib na mga elemento ng Doña Remedios Trinidad MPS at mga miyembro ng CENRO Bulacan ng anti-illegal logging operation sa Sitio Sumacbao, Brgy. Kalawakan, sa nabanggit na bayan kung saan naaktohan ang mga suspek, dakong 5:00 pm, kamakalawa.

Nakompiska mula sa mga naarestong suspek ang mga ilegal na pinutol na troso tulad ng red/white lauan at tangile lumbers na binubuo ng 7,038 bd. ft., tinatayang nagkakahalaga ng P351, 900.

Nasa kustodiya ng CENRO Baliuag ang mga narekober na ebidensiya para sa kaukulang disposisyon samantala nakatakdang sampahan ng kaso ang mga suspek na ihahain sa korte. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …